Carrying The Professor's Twins
Sweetlyruined12
Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay umaapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit kapag iyong mahal at pinagkakatiwalaan mong tao ang siyang mangloloko sa iyo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa!
Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, nagpunta siya sa isang club at doon nagpakalasing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan ay iba ang kanyang namulatan, nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe.
Ang akala niya ay isang gabi lamang iyon ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?