Not Ordinary Love
Hindi plano ni Alexie Kim Padilla na magmahal ulit.
After being cheated on by her ex-boyfriend, she promised herself one thing—no attachments, no expectations, no pain. Kaya nang lumipat siya ng network, ang goal niya lang ay magsimula ulit at iwan ang lahat ng nakaraan.
Pero isang banggaan sa hallway ang magpapabago ng lahat.
Doon niya nakilala si Emmanuel Villa—gwapo, charming, at… hindi pala straight. Parte siya ng LGBTQ+ community at may boyfriend na rin. Sa unang tingin, alam na ni Alexie—hindi pwede.
Pero bakit parang ang hirap umiwas?
Habang tumatagal, mas nagiging malapit sila sa isa’t isa. From simpleng tulong, naging comfort, hanggang sa maging sandalan sa mga sakit na pareho nilang tinatago. Pareho silang nasaktan, pareho silang takot… pero pareho ring unti-unting nahuhulog.
Hanggang sa dumating ang moment na kailangan nilang tanungin ang sarili nila—kaya ba nilang sugalan ang isang bagay na alam nilang komplikado?
Isang relasyon na walang label.
Isang pag-ibig na bawal.
At isang katotohanan na mahirap tanggapin.
Nang masira ang lahat dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan silang harapin ang tanong na matagal nilang iniiwasan—
Kung ang pag-ibig ay hindi ordinaryo… karapat-dapat pa rin ba itong ipaglaban?
Sa mundong puno ng judgment, expectations, at takot—pipiliin ba nila ang isa’t isa?
O hahayaan na lang nilang maging isang alaala ang lahat?