ABLAZE WITH GOLD
Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay.
Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?