The Billionaire Stole Me From My Groom
Bago ang kasal, nahuli ni Mithi ang fiancé niya na nagtataksil sa kaniya. Sa isang hotel room kung saan doon sana gaganapin ang unang gabi nila, ay nakita niya si Luis na may ibang kasiping.
“Kasalanan mo rin naman dahil nagpaka-feeling santa ka. Ikakasal ka na sa akin pero ayaw mong haIikan kita o ayaw mong pumayag makipagsex sa akin. Mithi, lalaki ako at may pangangailangan rin ako.” Ang sinabi ni Luis na tila ba ay naging kasalanan pa niya ang lahat.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki ang biglang dumating sa kwarto kung saan sila nagtatalo. Lalaking handa siyang sagipin para hindi siya mapahiya sa maraming tao.
“If you can’t cancel the wedding then papakasalan kita. I’ll be your groom.” Natigilan silang lahat matapos iyon sabihin ng isang estrangherong lalaki.
Dahil wala na sa sarili, isang tango ni Mithi ang isinagot niya. Isang tango na siyang naging ganti na rin sa fiancé niyang nagtaksil sa kaniya.
Agad siyang kinaladkad no’ng estrangherong lalaki paalis ng hotel.
“S-Saan tayo pupunta?” tanong ni Mithi
“To the mayor’s office. Let’s get married!” Sagot nito na taimtim na nakatitig sa kaniya.
10144.2K viewsCompleted