A Night with a Stranger
Isang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae.
Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak.
That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao.
Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya.
So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya.
At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.'
Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya.
Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
1.6K DibacaCompleted