Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit may isang babae ang ilag sa kanyang kasikatan at kailanman hindi siya tinilian. Nang magtagpo ang mga landas ng dalawa sa isang aksidente hindi na nagkaroon ng katahimikan si Nicolo. Si Aula na yata ang pinakiinisan nitong babae dahil wala itong finesse kung magsalita, putak ng putak! Ngunit natatakpan naman iyon ng angking kagandahan ng dalaga na kahinaan ni Nicolo. At nang madawit ang pangalan ni Nicolo sa isang "Blind Item" na kasama si Aula ay mas lalo pang gumulo ang buhay nito. Paano kung nagka-totoo ang tsismis sa dalawa? Gugustuhin kaya ni Aula na mapabilang sa magulong industriya na kinabibilangan ni Nicolo?
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

Beatrise Mendoza, sa batang edad ay nangarap nang maging isang artista hindi lang upang makatulong sa kanyang pamilya kundi para matamasa rin ang karangyaang mayroon ang mga ito. Kaya nang dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon sa katauhan ng kanyang tiyahing taga-Maynila ay agad niya iyong sinunggaban. Pero ang inakala niyang abot-kamay na pangarap ay hindi pala gano'n kadaling abutin. Dahil hindi pala madaling makapasok sa industriyang iyon. At dahil sa natamong kabiguan ay hindi niya naiwasang humanap ng masasandalan at makakapitan, at natagpuan niya iyon sa katauhan ng kanyang pinsan na si John Carl, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin. Ngunit hindi niya napaghandaan ang isang malaking dagok sa kanyang buhay. Dahil unang kita pa lang sa lalaki ay nahumaling na siya rito kaya ng maging mas malapit sila at makilala ang tunay nitong ugali ay lalong nahulog ang kanyang loob. Paano pa niya haharapin ang pag-abot sa kanyang pangarap na tila kay ilap kung maging pati ang paghihirap ng kanyang damdamin ay nakakadagdag sa kanyang dalahin?
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

SPG/ R-18+ Story of Matthues Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Matthues Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Matthues kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Matthues, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Matthues kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
10533 viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
416 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
DMCA.com Protection Status