The Billionaire's Protector
Mapanganib ang trabaho ni Charinda Delos Reyes. Isa siyang agent sa isang government agency. Sa klase ng trabaho niya, natural lang na palaging nakabuntot si Kamatayan.
Action, mystery, and adventure, iyon ang isa sa nagtulak sa kanya upang piliin ang nasabing propesyon. She was a sucker for those.
Kaya nang ibigay sa kanya ang espesyal na misyon na bantayan ang bilyonaryong si Kadriel Fernando at magpanggap din bilang isang kasambahay, wala ng mas nakakabagot pa roon. Plus the fact that she hated his guts.
Magtagumpay kaya siyang ipagtanggol ang buhay nito? Kung sa simula pa lang ay hindi na niya gusto ang pagiging antipatiko nito?
109.8K viewsCompleted