5

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market.
Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan.
Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal.
Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na.
Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad.
Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin.
Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya.
Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
6
HIRAETH (Tagalog)
Celeste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with his older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience weird dreams with voices calling her in an unfamiliar name. She knew that the school library she used to visit every afternoon has something to do with this paranoia. And that she came across with an old and antique book which soon became a portal to an unexisting world. She lost herself in the city and woke up as a new being living in an old town of Gokayama. Growing with strange romantic feelings for each of the four main book characters, she almost forgot that she has her own real life too outside the book. Will she be able to return or will be forever miss her home?
7
Darkness Within
Bilang isang anak ng Diyos ng Kadiliman, alam ni Cassy Aguilar na kailanman ay hinding-hindi niya maabot ang liwanag, na kahit na anong takbo niya ay hindi niya matatagpuan ang sarili na nabababalot ng sinag kundi purong anino at dilim lamang.
At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makatakas sa tadhanang tila kadenang nagbibigkis sa kanya sa mundo ng kadiliman at kasamaan.
Nais niyang makalaya. At ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang wakasan ang buhay ng sarili niyang ama, ang Diyos ng Kadiliman.
Sakit. Kamatayan. Pagtataksil. Sakripisyo. Pag-ibig. Pakikipagsapalaran. Lahat ng ito ay naghihintay kay Cassy kasama ang mga taong magiging kasangga niya sa pagkamit ng kalayaang hinahangad niya at ang pagtapos sa buhay ng Diyos ng Kadiliman na matagal nang banta sa kapayapaan ng mamamayan.
Kumpleto