Hiram na Asawa
Patong-patong ang mga problema ni Maria Averie Salvador. Bukod sa kailangan niya ng malaking halaga para sa chemotherapy ng kanyang Tatay, hinahabol din siya ng kanyang mga pinagkaka-utangan. Ubos na ang listahan ng mga taong pwede niya pang utangan at kahit pagtitinda niya ng isda sa palengke ay hindi maisasalba ang buhay ng kanyang ama. Ang masaklap, sa isang kisap mata ay tinangay siya ng mga armadong lalaki.Ngunit hindi niya alam na iyon ang babago sa kanyang buhay lalo na't nagimbal siyang makita ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Isang Francheska Morales ang kumidnap sa kanya at nais nitong magpanggap siya bilang ito at gampanan ang pagiging asawa sa isang kilalang mabagsik na negosyante ng kanilang bayan. Kailangan nitong lumayo upang mabuntis at maibigay ang tagapagmana ng nag-iisang Sebastian Loki Inferno.Pikit-mata niyang tinanggap ang misyon kapalit ng malaking halaga. Ngunit binalot siya ng kaba matapos makaharap ang lalaking kinakatakutan ng buong bayan nila. Kaya niya bang maging pekeng asawa ng isang Sebastian Loki Inferno?"If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig na bungad nito sa kanya.
In-update ngayon lang
CHASING MY EX-WIFE
Dahil sa matinding pagmamahal ni Bianca Issabelle Velasquez, nagawa niyang magtiis sa loob ng tatlong taon sa piling ni Daniel Aragon Buenaventura. Alam niyang hindi siya nito mahal pero nangako siya sa abwela nito bago sila ikasal na mamahalin niya ng buong puso si Daniel.
Kahit na masyado nang masakit, pinilit niya pa ring intindihan ang pambabaliwala nito sa kanya. Hangang sa dumating ang oras na labis niyang kinatatakutan. Umuwi si Daniel na may dalang divorce agreement at pilit itong pinapa-pipirmahan sa kanya. Ang dahilan niya...wala na daw pag-asa ang relasyo nila. Kailangan na nilang palayain ang isat-isa dahil never naman daw siya nitong minahal! Isa pa, bumalik na ang kanyang childhood sweetheart na balak niyang pag-alayan ng kanyang pangalan.
Hangang saan at kailan niya kayang magpaka-martir sa ngalan ng pag-ibig? Kaya niya bang magtiis ng another years sa piling ni Daniel lalo na at may batang nasa sinapupunan na gusto niya sanang bigyan ng kumpletong pamilya? Paano kung dumating na sa punto na iniuwi na ni Daniel ang babaeng mahal nito sa sarili nilang pamamahay? Lulunukin niya na lang ba ang pride niya huwag lang siyang mahiwalay sa lalaking mahal niya or kusa na siyang bibitaw para sa katahimikan ng lahat?
In-update ngayon lang
The Billionaire's Abandoned Wife
Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito.
Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa.
Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao.
Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa.
Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
In-update ngayon lang
The Tycoon's Triplets
Natuklasan ni Maximus na nakatakas siya sa assasination attempt dahil sa pagkakamaling nagawa ng hotel. Maling susi ang naibigay sa kaniya kaya siya napunta sa kwarto ni Celeste. Ang akala ni Celeste kasama niya ang lalaking handang magbayad sa kaniya ng malaking pera para sa isang gabi pero isang pagkakamali dahil ang lalaking pumasok sa kwarto niya ay ang pinakamakapangyarihan na businessman sa bansa. Gusto niyang magsimula para mabawi niya ang kompanya ng kaniyang ina sa kamay ng half-sister niya kaya nagawa niyang ialok ang sarili niya sa hindi niya kilala pero itinakwil siya ng kaniyang ama nang mapanuod nito ang malaswang video ni Celeste.Ipinahanap ni Maximus ang babaeng nakasama niya, ang babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya noong gabing muntik siyang mamatay. Nang malaman ni Hannah na ibang lalaki pala ang nakasama ng kapatid niya mabilis siyang gumawa ng paraan. Nagpanggap si Hannah na siya ang nakasama ni Maximus sa hotel ng sa ganun ay magkaroon sila ng romance relationship with the most powerful man. Paano kung pagbalik ni Celeste ng bansa, malaman niyang boyfriend na ng kapatid niya ang ama ng tatlo niyang anak? Will she tell to Maximus the truth about the kids or will she hide it until she can?
Kumpleto
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO
Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement.
Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas.
Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya.
"Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... "
"Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!"
Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila.
Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Kumpleto
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Sa edad na dalawampu, napilitang magpakasal si Lalaine sa kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola na malapit nang pumanaw. Hindi niya kilala ang napangasawa dahil inalok lang siya ni Lola Mathilde na pakasalan ang apo nito.
Hanggang sa nakuha ni Lalaine ang marriage certificate tatlong buwan pagkatapos niyang ikasal, nalaman niyang ang lalaking pinakasalan niya ay walang iba kundi si Knives Dawson—ang may-ari ng Dawson's Group of Companies at ang pinakamayamang negosyante sa Luzon.
Nalaman din niyang kinasusuklaman siya ni Knives at napilitan lang itong pakasalan siya dahil kay Lola Mathilde, kaya matapos nilang maikasal ay lumipad na ito patungong California at hindi na sila muling nagkita pa—sa madaling salita, kasal lang sila sa papel.
Makalipas ang isang taon ay napag-alaman ni Lalaine na nagbalik na si Knives Dawson mula California, kaya naman nagpasya siyang mag-file ng annulment dahil payapa na kanyang lola at wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang kasal.
Subalit isang pangyayari ang naglagay kay Lalaine sa alanganin—kailangan niya ng isang milyong piso para sa kanyang kapatid na nasa nursing home at kasalukuyang nasa comatose state. Dahil desperada na, lakas-loob na humingi ng tulong si Lalaine kay Knives Dawson.
Pumayag naman si Knives subalit kapalit ng isang milyong piso ay pipirma si Lalaine sa agreement, kung saan nakapaloob doon na magiging babae siya ni Knives at partner sa kama— na magtatapos lang sa oras na makahanap na siya ng ibang babae.
May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang tao na magkaiba ang paniniwala at antas sa buhay?
At ngayong nagising na ang first love ni Knives na si Gwyneth mula sa pagka-coma dulot ng isang aksidente, tuluyan na kayang matatapos ang kanilang agreement?
Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan lalo pa't natuklasan niyang nagdadalang-tao siya? O magpaparaya dahil nakatakda ng magpakasal ang dalawa?
In-update ngayon lang
A Love Reclaimed: Fated To Love You
"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..."
Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya.
"Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!"
Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan.
Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo.
Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita...
“Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!”
Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
In-update ngayon lang
THE BEST MISTAKE
Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso.
Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak.
"Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said.
Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki.
Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
Kumpleto
My Billionaire Enemy Is My Lover
Labis na nagtataka si Seraphina ng mailipat siya sa ibang boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya malaman kung bakit palagi niya itong pinapahiya at minamaliit. Alam niya sa sarili niya na magaling siya, pero para sa bagong boss niya, bobo siya.
They hate each other. But that hate backfires when they find themselves tangled to each other, pleasuring one another.
Will their hate continue after what happened? Or will the hate turn to love?
In-update ngayon lang
Just One Night [Tagalog]
What if you're a broken-hearted?
Would you do the thing that you haven't done in your whole life?
Charmane Cordova.
Unexpectedly meet, this most sought-after bachelor... Bradley Hernandez, A guy that she doesn't know yet, A guy that got her attention, and a guy she had spent her whole night with...
And this will be their, JUST ONE NIGHT together.
Ongoing