Tanya's POV Napailing nalang ako ng madatnan namin ni Mich si itay nakayukyok na ang ulo nito sa mesa. Kakaiba din pala ang tinira nilang inumin ni kuya Edgar dalawang gin bilog. Mahinang nilalang,lasing na agad. " Ma'am Tanya, inaantay ko lang kayong dumating bago ako aalis. Si mang Lito kasi tinulugan na ako." napailing na wika ni kuya Ed. Kahit ako man ay natatawa sa ayos ni tatay. "Kuya Ed, pakialalayan sana si itay papunta sa kwarto niya." pakisuyo ko dito " Masusunod ma'am Tanya. Sa susunod ma'am Tanya hindi pweding hindi na ako kasama sa lakad mo. Kabilin-bilinan kasi ni boss Luke hindi ko ilalayo ang mga mata ko sa'yo." napakamot sa ulo na sambit nito. Napabuntong-hininga ako. " Kuya Ed, bakit hindi mo lang i-enjoy ang sarili mo habang nandito ka. Mamasyal kayo ni itay dito, maraming magagandang pasyalan po dito." wika ko kay kuya Ed. " Pero ma'am Tanya, malilintikan ako ni boss kapag malaman niya na hindi kita binabantayan." " Ako ang bahala kuya Ed, sa
Last Updated : 2025-03-25 Read more