All Chapters of CHASING HER: The Billionaire's Mistake: Chapter 91 - Chapter 100

108 Chapters

CHAPTER 68-1: Kung gusto mong humingi ng tawad, lumuhod ka!

Hindi makita ni Ace ang inaasahang lungkot sa mga mata ni Ashley. Wala na lang ba dito ang pagbabaliwala niya?Lalo siyang naguluhan sa hindi ipinapakitang walang pakialam ni Ashley sa nabunyag na katotohahan."Naaawa ka ba talaga sa akin?"Malamig na tiningnan ni Ashley si Belle at nagtanong pabalik sa hindi malamang tono."Syempre totoo!" Mas pinanindigan naman ni Belle ang sinabi.Ngumisi si Ashley, "Belle, kung talagang naaawa ka sa akin, walang silbi na ipahayag mo lang ito sa salita. Kailangan mong lumuhod at yumuko sa akin ng ilang beses para ipakita ang iyong sinseridad."Kaya pa niyang magtiis na hindi magwala ngayon.Balang araw, papaluhod niya si Belle, ang pumatay sa anak niya, at kay Ace, ang lalaking bulag na nagpoprotekta sa mamamatay-tao, sa harap ng libingan ni Xixi. At pagsisihan ang kanilang mga kasalanan."Ashley, masyado ka naman sa hinihiling mo."Wala ding naging emosyon si Ace na nakatingin kay Ashley. Nalilito parin sa ugaling ipinapakita ngayon ni Ashley. Par
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

CHAPTER 68-2: Kung gusto mong humingi ng tawad, lumuhod ka!

Bahagya pang natigilan si Ashley sa paghakbang palabas nang nasa pinto na siya dahil sa narinig na sinabi ni Ace na ipapada nito si Helen sa pulisya.Nagpatuloy siya, at narinig pa niya ang huling sinabi ni Helen na nagpapaliwanag pa."Kuya Ace, dahil lang ba sa inaaway ko ang babaeng iyan, ipapadala mo ako sa isyasyon ng pulis para pagsisihan ang pang aaway ko sa kanya."Hindi na niya narinig ang naging sagot ni Ace. Ngunit alam na niya ang sagot doon ni Ace.Dahil sinaktan ni Helen sa harapan ni Ace ang babaeng pinakamamahal nito.Kahit na sabihing hindi biyolohikal na pinsan ngunit kailangan parin nitong ayusin ang gusot nito.Tumaas na lang ang sulok ng mga labi ni Ashley, nanunuyang ngiti ang napaskil sa mga labi niya habang papalayo sa kanila at hindi na lumingon pa.Umalis sa club.Nakatayo si Ashley sa hintayin ng sasakyan. Kinuha niya ang cellphone para tumawag ng taxi.Sa mga oras na iyon ay iilan na lang ang taong lumalabas sa club. At may isang grupo ng kalalakihan ang lum
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

CHAPTER 69: Walang ibang kailangan si Sisi maliban sa buhay ng babaeng iyon!

"Wala akong sasabihin sayo."Ang sigaw ni Ashley ay kasing lamig ng nagyeyelong tubig at makikita din sa mga mata nito ang kalamigang iyon.Binuksan niya ang pinto ng kotse at lalabas na sana.Ngunit sa sandaling dumampi ang kanyang mga paa sa lupa, hinawakan ni Ace, na sumakay sa kotse mula sa kabilang panig, ang kanyang pulso.Sa isang malakas na hatak ay pinilit niyang ibalik si Ashley sa sasakyan.Muling isinara ang pinto ng sasakyan."Ace!!" Sa gitna ng galit na sigaw ni Ashley. "Bita-"Naka-lock ang pinto ng sasakyan."Ace, hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Wala akong sasabihin sayo at wala akong balak makinig sa sasabihin mo!"May bakas ng galit sa mga mata ni Ashley. Malamig niyang inalis ang malaking kamay ni Ace na nakahawak sa kanyang pulso."Buksan mo ang pinto, gusto kong lumabas."Naging mas malamig ang tono ni Ashley.Habang nagpipilit na makalabas si Ashley nakita ni Ace ang isang pamilyar na pigura na naglalakad patungo sa pinto sa rearview mirror.Si Drake.
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

CHAPTER 69-1: Walang ibang kailangan si Sisi maliban sa buhay ng babaeng iyon!

Lalong lumamig ang ngiti sa labi niya. "Hindi mo kayang tiisin si Belle at ang kanyang anak, tama ba?" Matapos malaman ni Ace ang katotohanan limang taon na ang nakakaraan at napagtanto na namali ang pagkalaintindi niya dito , talagang gusto niyang suklian at bumawi kay Ashley at kay Sisi. Pero...... Itinutulak pa ni Ashley ang kanyang kapalaran. "...." Inihayag sa mga mata ni Ashley ang kanyang pagkasuklam at pagkamuhi para kay Belle. Nais niyang mamatay si Belle. At hindi niya hahayaan na madungisan ang kamay nito sa masama nitong balak. Hindi makapagsalita si Ace, hindi niya alam ang magiging reaksyon sa ipinapakitang pagbabago ni Ashley. Malalim ang mga malamig na mga mata na nakatingin lang si Ashley kay Ace. Hinihintay sumagot si Ace. Ngunit sa pananahimik nito ay alam na niya ang sagot. Hindi kayang ibigay ni Ace ang hinihiling niyang pagbawi sa pagkukulang nito sa kanila ng anak niya. Ayaw na makialam ni Ashley kay Ace, kaya kinuha niya ang kanyang bag n
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

CHAPTER 69-2: Walang ibang kailangan si Sisi maliban sa buhay ng babaeng iyon!

May hawak siyang sigarilyo sa isang kamay at cellphone sa kabilang kamay. Habang nakikipag-usap sa telepono, ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Ashley. Nakasunod parin ang mga mata niya sa bawat galaw nito. Ngunit hindi pinansin ni Ashley si Ace, inalalayan ang sarili sa lupa upang tumayo mag isa. Habang nakikinig si Ace mula sa kabilang linya ay nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Ang upos ng sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri ay nahulog at dumapo sa kamay ni Ashley. Nakaramdam ng kirot si Ashley, at mabilis na iwagayway ang kanyang kamay para maalis iyon, bumagsak siyang muli sa lupa. Habang si Ace ay nakikinig lang sa kabilang linya. Si Belle na ang boses ay parang takot na takot. Kunot ang nuo niya, hindi niya sigurado kung gaano na katotoo ang mga iyon kay Belle, ilang beses na bang nasaksihan ni Ace ang mga ugali ni Belle na hindi pamilyar sa kanya. Ngunit nagpasya parin siyang aluhin ito. "Huwag kang mag alala, parating na ako." Malamig ang boses na sago
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

CHAPTER 70: Huwag, kay Sisi ko ito!

Isang kislap ng pag-asa ang lumitaw sa mga mata ng lalaking nagsalita ng makitang tumigil si Ace at tila nakinig sa kanilang sinabi. Mabilis niyang sinabi, "Totoo, Mr. Mondragon... Hindi kami nagsisinungaling, inakit niya kami!" Pagsagot ng lalaki na nakaramdam ng galit dahil ang galing talaga ng babaeng iyon na umarte. Kung hindi nila ito mismo pinakinggan kanina, ay hindi nila mararanasan ang ganito. Hindi sana sila mabubugbog kung hindi sila nagpaniwala sa babaeng iyon. "Mr. Mondragon, totoo!" Sinundan ito ng isa pang lalaki at nagsalita para sa kanyang sarili. Taos-puso ang mga salita na nanginginig pa sa takot. Sinusubukan nilang hikayating maniwala sa kanila si Ace. Pero wala silang ebidensya kung hahanapan sila, matagal na nila itong ginawa para patunayan ang kanilang kawalang-kasalanan. Sa sandaling iyon, talagang pinagsisihan nila ang kanilang desisyon. Nang maakit sila ng babaeng iyon, lihim silang natuwa na nasa blind spot sila ng mapagpapala. Ngayon, wal
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

CHAPTER 70-1: Huwag, kay Sisi ko ito!

"Sa sandaling ipikit ko ang aking mga mata, hindi ko maiwasang isipin iyon.. Natatakot talaga ako! Pwede bang huwag kang umalis? Please!" Pagkabalik ni Belle sa Quirino, palagi itong nagpapahiwatig sa kanya na manatili. Ngunit kasama pa rin niya si Ashley at may sertipiko sila ng kasal. Bagaman, nanatili siya sa piling ni Belle at lagi itong pinapaburan. Nanatili siyang malinis sa loob ng limang taon na iyon. Kahit siguro sabihin hindi sila ikinasal ni Ashley ay hindi niya kayang manatili sa tabi ni Belle ng ganun katagal hindi tulad kung gaano niya gustong manatili sa tabi ni Ashley. Ngunit nanatili siyang tapat kay Belle dahil na rin sa utang na loob niya dito at sa ina nito. At ang kanyang mga prinsipyo ay ang pumipigil kanya na makasama si Belle bago siya matapos kay Ashley. Ninais niyang agad na mapawalang bisa ang kasal nila ni Ashley noon dahil sa galit niya sa pag aakalang drinogo siya at ginawa iyon ni Ashley para makipaghiwalay siya kay Belle. Ngunit may bahag
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

CHAPTER 70-2: Huwag, kay Sisi ko ito!

Para kay Ashley ay hindi na gananong kahalaga ang kanyang relo, ngunit hinubad parin niya iyon at ibinigay sa lalaki. Inalis niya lahat ng mga alahas na nasa katawan niya kahit na ang singsing na binili lang naman niya ng mura. Habang ginagawa niya iyon ay nakasunod parin ang mga mata ng lalaki sa kanya. "Wala na talaga. Iyan lang ang mayroon ako." Sabi niya sa lalaki. Naging masunurin siya sa sinabi ng lalaki. Inilagay niya ang mga iyon sa bag na ibinigay niya dito. Pasakay na ang lalaki sa motorsiklo nito ngunit sa paglingon ulit nito ay nakita nito ang kumislap sa kanyang leeg. Agad na nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Isinabit nito ang bag sa motorsiklo at naglakad pabalik sa kanya. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Babae ka, ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin. Lumapit ang lalaki at marahas na hinawakan siya nito sa balikat. Sa lakas ng pagkakahawak nito ay parang madudurog pa ang mga buto niya. Napangiwi si Ashley sa sakit. Hindi niya
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

CHAPTER 71: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

"Puta ka, naghabanap ka ng away." Namumula na ang mga mata ng lalaki na sinunggaban si Ashley. Nakahandusay na sa lupa si Ashley, ngunit ng makitang muli siyang susugurin ng lalaki ay naiyakap niya ng mahigpit ang mga kamay sa sarili para itago doon ang kwentas ni Sisi. "Akin na iyan. Ilabas mo." Malakas na pinaghiwalay ng lalaki ang mga kamay niya ngunit hindi inaasahan ng lalaki na magkakaroon ng lakas si Ashley na halos hindi nito matinag ang pagkakayakap mismo sa sarili niya. Mas nagalit ang lalaki. "Akala mo ba ay hindi kita kayang gawan ng masama, mas naghahanap ka ng ikakasira ng buhay mo." Banta ng lalaki pero nakabaluktot lang siya at hindi niya ito hinyaang magtagumpay. Muli siyang pinagsisipa ng lalaki. Hindi niya alintana ang sakit na pisikal na pinaparanas ngayon sa kanya ng lalaki. Para sa kanya ay walang ibang mas sasakit sa pagkawala ng kanyang anak. Kung paano siya hindi makakain at hindi makatulog sa gabi simula ng mamatay ito. Doon niya naranasan an
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

CHAPTER 71-1: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status