“Elliott, mapapautang mo ba ako ng seventy thousand dollars?” Agad na napatigil ang masiglang kwentuhan sa loob ng isang private room sa bar na para bang may nagpatay sa switch ng mga ito. Agad namang nagdilim ang mukha ni Elliott Mason sa kaniyang narinig. Tumitig ang malalim at hindi mabasa niyang mga mata sa akin, naging direkta at hindi matigil ang mga tanong nito. “Seventy thousand? Para saan?” Bago pa man ako makasagot, nakarinig ako ng isang mahinang tawa na sumira sa katahimikan. Nagmula ito kay Tiffany Taylor, ang kaibigan ni Elliott mula pagkabata na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sinbihan na kita, hindi ba? May mga tao talagang nagpapanggap na inosente at puro, agad silang gagawa ng paraan para mahuthutan ka. Mukhang mas importante nga talaga ang pera para sa kaniya kaysa sa iyo.” Tumusok ang kaniyang mga sinabi, at habang nagsasalita, hindi niya napigilang tumingin nang makangisi sa akin na siyang nagpaikot sa aking sikmura.Tinitigan ko si Elliott, sa p
Read more