Nang makarating ako sa ospital, agad akong dinala sa emergency room.Agad na tinawagan ni Thomas ang nangungunang dermatologist sa siyudad para ikonsulta ang aking mga tinamong sugat. Hindi siya umalis sa tabi ko.Tatlong taon kaming nagdate. At pagkatapos ay nagpropose siya sa akin pagkatapos kong gumraduate. Sa apat na taon naming pagsasama, itinuring niya akong isang bata, sinuportahan niya rin ang career ko at ipinakita niya ang pinakamatinding pagmamahal at pagaalaga na kaniyang magagawa.At nang makita niya ang sinapit ko, namula nang husto ang kaniyang mga mata na para bang maiiyak na siya sa kaniyang nakikita.Hindi ko maatim na makita siyang ganoon kaya sinubukan ko siyang icomfort. “Okay lang ako, honey. Nakipaglaban lang ako sa ilang mga babae. Sapat na ang ilang araw na pahinga para—"Naputol ako sa pagsasalita nang bigla akong maubo nang malakas.Kahit na gaano ko subukang paliitin ang sitwasyon, ipinakita ng aking pagdurusa ang katotohanan.Mahigpit na nagsara ang
Read more