Habang tulala pa ako, dumating ang ina ni Nara na si Mrs. Sullivan, nagngingitngit sa galit. "Amber, ‘yang pamangkin mo binuhusan ng juice si Nara! Kung hindi lang siya pinigilan ni Hansel, talagang makakatikim sa akin ang pamilya Sullivan dito!"Agad na nagsalita si Hansel, "Amber, inawat ko lang si Ezra para hindi lumaki ang gulo sa pagitan ng pamilya niyo at ng Sullivan. Huwag kang mag-alala, pinigilan ko naman ang sarili ko—hindi ko naman talaga siya sasaktan."Tinitigan ko siya nang seryoso habang kagat-labi. Halata sa mukha ni Ezra ang pamamaga at may dugo pa sa labi. Sobrang kapal naman ng mukha ni Hansel na sabihing "nagpigil" siya.Sa ilalim ng matalim kong tingin, bahagya siyang yumuko, tila alam niyang mali ang ginawa niya. Tapos hinarap ko si Mrs. Sullivan at sarkastikong sinabi, "Mrs. Sullivan, half an hour ago lang, nasa rooftop ‘yung anak mo at gustong magpakamatay. At ako ang nagsabi kay Hansel na tulungan siya."So, technically, ako ang lifesaver niya. Si Ezra naman, d
Read more