Sobrang daming naglalarong lights, amoy alak, maingay sa dami ng mga taong naroon na nagsasayawan at nagkakasayahan. Isama mo pa ang malakas na tunog ng tugtogin. Yan ang Heavens, isang sikat na bar sa Makati. "Dinala kita dito best para makalimutan mo ang hayop na si Rex! Two bottles of hard liquor please," sabi niya sa bartender. Sinalinan niya agad ang dalawang maliliit na baso pagkakuha ng alak, "Roxanne Sanchez, forget him! You are beautiful! Move on! Tagay!" sabay taas ng kanyang baso. " Salamat best! You're the best! Cheers!" sunod sunod na tungga ang ginawa ni Roxanne sa isang bote ng alak na inorder niya. Halos ginawa na niya itong tubig para lang matanggal ang sakit na nararamdaman." Tumayo si Joy. Kinuha ang mga kamay ni Roxanne at hinila papunta sa gitna ng mga taong nagsasayawan "Sige, isayaw natin best! You are free! Move on! Hooh!" sabay sigaw ni Joy sa katabi " Yes! I'm free! I am beautiful! Hoooh! This is heaven!" Sigaw niya. Hataw na hataw din siya sa pag-indak
Last Updated : 2025-02-05 Read more