“I’m 100% sure, Erin. Makakaalis na tayo dito pagkatapos ng surgery mo sa mata. Sasama ka sa akin para makaalis dito.” Hindi makapaniwala si Erin sa narinig mula sa labi ni Danica. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi dahil alam naman niyang ilang beses nang sinabi ng kapatid nito na hindi siya maaring umalis ng mansyong ito. “Huwag mo akong biruin ng ganyan, Danica. Alam mo namang matagal ko nang gustong umalis dito,” sabi niya kay Danica. Sino nga ba ang hindi magdadalawang-isip na baka biro lang ito lalo na sa pinagdaanan niya mula sa kamay ni Alejandro? Ilang beses mang gustuhin maniwala ni Erin ngunit, tila imposible yata na basta-basta nalang siyang paalisin dito ni Alejandro na wala man lang gagawin. She heard Danica sighed and seated beside her. Nakasandal ang likod niya sa headrest ng kama habang ang kalahati ng katawan niya ay kinumutan ng private nurse na kinuha ni Alejandro para raw sa kanya. “Alam kong hindi ka makapaniwala sa ginagawa ng kapatid ko Erin,
Terakhir Diperbarui : 2025-02-03 Baca selengkapnya