Kinaumagahan, sabay-sabay na bumaba sina Theodore at Janissa kasama si Levi na naninibago sa paligid."Nasaan po tayo, mom?" walang kamuwang-muwang na tanong ng paslit."Nasa lola Delia mo tayo, anak. Dito muna tayo," ani ni Janissa na pababa sa hagdan."Oh, nagising na pala kayo, tara na't kumain! Halina kayo," ani mamu Delia na halatang naghanda ng makakain nila."Oy, ikaw na ba 'yan, Janissa?" bungad naman ng isang medyo katandaang lalaki na maskulado pa rin at hapit na hapit ang suot na sando. Naka cotton shorts lang ito na preskong-presko kung titingnan."Kamusta po t'yong," tipid na ngiti ni Janissa sa ginoo. Sumipat pa ito sa kasama niyang si Theodore."Oy, ikaw na ba ang forever ni Janissa? dong?" ani ng ginoo na agad na tinapik si Theodore na halatang naiilang sa pagiging 'touchy' ng ginoo."O..eh oho..ako po si Theodore. Kamusta ho kayo.""Sus, h'wag mo na akong hino-ho, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad," biro pa ni t'yong Totoy na halatang nasisiyahan sa presensya nila.
Last Updated : 2025-01-17 Read more