Alas-kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay madilim na. Nilapitan ni Zylah si Austin. Hindi na siya pwedeng magpalipas pa ng gabi sa bahay nito, nakakahiya na rito. Isa pa ay kailangan niya na rin talagang umuwi sa condo unit ni Belinda dahil mag-iimpake pa siya ng mga dadalhing damit sa probinsya. Bukas ay naisip niyang mamili na rin ng mga pasalubong para sa mga magulang niya, mga kapatid, kasama na rin ang mga asawa ng mga nito at mga anak.“Looking for me?” tanong ni Austin kay Zylah. Nagulat si Zylah sa biglang pagsulpot ni Austin sa harap niya. Muntik niya pa itong mabangga.“Oo, eh…” mahinang tugon ni Zylah nang makabawi sa pagkagulat. “Magpaalam sana ako. Okay lang naman na umuwi ako mamaya, ‘di ba? And don’t worry…” She smiled. “Papatulugin ko si Raffy bago ako umalis. Kailangan ko lang talaga na makauwi kasi gusto ko sana umuwi muna sa probinsya. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa ‘yo nakaraan, ‘di ba?” “Yeah,” one word na sagot ni Austin sa haba ng sinabi niya. Tumango
Last Updated : 2025-02-11 Read more