All Chapters of The Regret of my Billionaire Ex-Husband: Chapter 351 - Chapter 360

376 Chapters

CHAPTER 210.2

Mabilis at mabigat ang kanyang bawat paghinga. At bawat hinga niya ay parang pakikipaglaban sa matinding sakit.Nakabaluktot nga ang kanyang kaliwang paa sa isang hindi normal na anggulo at halata mo nga na may bali iyon. Bumulusok na rin nga ang buto sa kanayang balat at patuloy na lumalabas ang dugo mula sa kanyang sugat kaya naman nababasa nga ang kanyang damit at ang semento sa ilalim.Ang kanya ngang mukha ay puno ng pasa at galos. May tuyong dugo rin nga sa gilid ng kanyang bibig. Basang basa nga ng pawis at dugo ang kanyang buho na dumikit na nga rin sa kanyang noo. Dahan-dahan pa nga itong dumadaloy pababa sa kanyang pisngi.Puno rin nga ng sugat ang braso, balikat at likod ni Raymond. May ilan pa nga na malalim na sugat doon at halos makita na nga ang kanyang buto habang ang iba naman nga ay mababaw lamang. Pero bawat hiwa at bawat galos nga ay tahimik na nagsasabi kung gaano siya kalupit na pinahirapan.Bago nga tuluyang umalis si David ay sinindihan pa nga niya ang apoy sa
last updateLast Updated : 2025-04-23
Read more

CHAPTER 210.3

********Samantala naman nang makarating nga si Sophia at ang kanyang mga tauhan sa lugar kung nasaan si Rayond ang tanging bumungad nga sa kanila ay ang lumalagablab na apoy. Nagmadali pa nga sila na pumasok sa lugar na iyon at tinahak ang madilim at basang basement pero wala na nga silang nadatnan na tao roon.Napahigpit naman nga ang pagkakahawak ni Sophia sa kanyang cellphone. Alam niya sa puso niya na buhay pa si Raymond. Pero sa pagkakataong ito ay sigurado siyang malubha nga ang kalagayan nito.Hindi niya alam kung kinuha na naman ba si Raymond ni David. PEro kung alam na ni David na wala siyang pakinabang kay Raymond ay hindi na nga siya mag-aaksaya pa ng oras dito.At kung sinumn nga ang kumuha kay Raymond ngayon ay hindi nga iyon mapapalampas ni Sophia.Nag-aalab nga sa galit ang puso ni Sophia. Akala niya ay maililigtas na niya si Raymond ngayon. Akala niya ay may pag-asa na makasama niya itong muli pero mukhang huli na naman siya. Pero hindi nga siya makakapayag na ganon
last updateLast Updated : 2025-04-23
Read more

CHAPTER 211.1

CHAPTER 211“Baliw ka na ba?” hindi man nga malakas ang boses ni Francis pero tumagos nga ito sa katahimikan ng gabi— klaro, mabigat at matalim.Nanatili pa rin nga si Sophia na nakaupo sa driver’s seat. At mahigpit pa rin nga ang pagkakakapit ng kanyang kamay sa manibela at bahagya ngang nanginginig ang kanyang katawan dahil sa biglaang pagkabig niya sa kotse kanina.Dahan-dahan nga na tumingal si Sophia kay Francis. Bigla ngang kumislap sa kanyang mga mata ang isang emosyon na mahirap nga na maintindihan na galit, sakit at lungkot na nagsabay sabay nga.“Hindi mo ako naiintindihan,” mahinang sabi ni Sophia at bahagya pa nga na paos ang kanyang boses. “May mga bagay na hindi ko mapapatawad,” dagdag pa niya. Katulad na lamang nga ng ginawa ni David dahil wala ngang kapatawaran iyon. Hindi nga kayang pigilan ni Sophia ang galit na unti-unting lumalaki sa kanyang puso. At parang apoy nga iyon na hindi mapatay patay. Dahil paano nga ba niya pipigilan ang ganitong klase ng galit.Sa mu
last updateLast Updated : 2025-04-23
Read more

CHAPTER 211.2

“Baliw ka na. Baliw ka na talaga. Ihinto mo ang kotse,” sigaw ni David.Hindi nga kayang harapin ni David si Sophia. Dahil sino ba naman ang makikipagbanggaan sa tulad niya kung pwede naman siyang umiwas.Pero si Sophia nga ay wala nang pag-aalinlangan pa. Diretso pa rin nga ang kanyang tabo. At mukhang wala na ngang preno ang galit niya.WAla na ngang oras para umiwas si David. At kahit pa nga mamahalin ang kanyang kotse ay bumigay nga ang pinto nito nang bumangga ang kotse ni Sophia. Tumilapon ang sasakyan at gumulong nga sa kalsada nang dalawang beses bago nga ito huminto.Lumusot nga si David mula sa sirang pinto. Wasak ang itsura nito. Gulo-gulo pa nga ang buhok nito, may dugo ang buong mukha at hals hindi na nga ito makilala.May pulang guhit nga sa mga mata ni Sophia— dugo, galit at kabaliwan na unti-unti na nga na lumalamon sa kanyang katinuan.Noon pa man ay ganito naman na talaga si Sophia. Matigas, matapang pero marunong ngnag magpigil nang dahil kay Francis at kalaunan nga
last updateLast Updated : 2025-04-23
Read more

CHAPTER 211.3

Basang-basa nga ng pawis ang noo ni Sophia. At hindi nga niya napansin na nanginginig na ang kanyang mga kamay.Agad naman nga na bumaba si Louie ng kanyang sasakyan. Tahimik nga siyang lumapit kay Sophia. Wala namang galit sa kanyang mga mata kundi pag-unawa at isang uri ng kalmadong pag-aalaga.Tumingin nga siya kay Sophia mula sa likod ng bintana ng kotse“Sophia, bumaba ka na muna r’yan,” sabi ni Louie at malumanay nga ang kanyng tinig na parng isang magulang na kinakalma ang batang nawawala sa sarili.Alam naman niya na sa buong araw na iyon ay pilit nga na pinanatili ni Sophia ang kanyang lakas. Nakangiti pa nga ito na humarap sa mga stocholders ng Marquez Group kanina. Pero sa likod nga ng ngiting iyon ay nag-aabang lang nga siya ng isang tawag.At ang tawag na hinihintay ni Sophia ay ang magdadala sa kanya kay Raymond. Pero hindi nga iyon dumating. At ang huling pader nga na pumipigil sa kanyang pagbagsak ay tuluyan na ngang gumuho. At hindi na nga niya iyon kayang pigilan pa.
last updateLast Updated : 2025-04-23
Read more

CHAPTER 212.1

CHAPTER 212Bigla ngang nanghina si Sophia at napaluhod na lamang nga siya sa harapan ni David. At kasabay nga noon ang paglapit ni Louie habang si Sophia nga ay bahagya nang nakaluhod habang nakatingin nga ito sa duguang katawan ni David. Ang dating luhaan na mga mata niya ay napalitan na ngayon ng malamig na titig.“Nasaan sya?” paos ang boses na tanong ni Sophia kay David.Hindi naman nga nagsalita si David at para nga siyang walang naririnig.“Nasaan siya?” muli nga ay tanong ni Sophia at mariin nga ang pagkakasabi niya noonBigla naman ngang tumawa si David at pilit nga niyang iniinda ang sakit na nararamdaman niya. Ngumisi pa nga ito habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.“Sophia, ang galing mo naman. Hindi mo ba siya kayang hanapin ng mag-isa?” nakangisi pa na sagot ni David.“Ang dami-daming tagahanga na babae ni Raymond. At kahit nga wala ka ay may iba namang pupunta para iligtas siya. At hindi ka na niya kailangan pa. Ano pa nga ba ang silbi ng tinatawag mong ‘pagligt
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more

CHAPTER 212.2

“Hindi ko talaga alam kung nasaan na si Raymond,” sagot ni David at paos na nga ang kanyang boses. “Hindi ko siya isinama nung umalis ako roon. Iniwan ko lang siya sa basement…”Hindi pa man nga natatapos ang pagpapaliwana ni David ay nagsalita na nga muli si Sophia.“Wala nga siya roon,” malamig na sabi ni Sophia.“Imposible yan. Paano siya makakaalis doon gayong durog ang kanyang binti? Saan naman pati siya pupunta? Wala na siyang silbi at hindi siya makakatakas sa gano’ng kalagayan niya. Nandon pa rin siya,” halos pasigaw pa nga na sagot ni David dahil hindi nga siya makapaniwala na nakaalis nang ganon kabilis si Raymond.Sa mga sandali naman nga na iyon nang marinig nga ni Sophia ang sinabi ni David ay hindi na niya mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan. Dinig na dinig nga niya na sinabi ni David na durog ang binti ni Raymond bigla tuloy siyang napaisip kung dahil ba iyon sa aksidente.Ang dati nga na kalmadong mga mata ni Sophia ay napuno nga ng matinding galit at poot. Ma
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more

CHAPTER 212.3

Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more

CHAPTER 213.1

CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more

CHAPTER 213.2

Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more
PREV
1
...
333435363738
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status