Home / Romance / The CEO's Temporary Wife / Chapter 21 - Chapter 25

All Chapters of The CEO's Temporary Wife: Chapter 21 - Chapter 25

25 Chapters

Chapter 21 Direktor Dale

Pagbalik niya sa kwarto, nahimasmasan na siya, at nawala na rin ang kanyang pagkalasing. Pero masakit pa rin ang ulo niya. Nais niyang ibagok iyon sa dingding para mawala ang sakit.Sinapo ni MJ ang kanyang ulo. Naalala niya na dinala siya ni Director Dale sa party at uminom ng maraming alak. Bigla siyang napatigil, at nakalimutan ang sakit ng ulo.Bakit siya nandito ngayon? Hindi ba dapat ay nasa party pa siya? Paano siya nakauwi sa bahay ni Julius?Kinabahan, bumaba ang tingin niya sa kanyang suot. Buti na lang at nakasuot pa rin siya nito.Pero paano siya nakabalik sa bahay?Pilit na iniisip ni MJ ang mga kaganapan, ngunit wala pa ring maalala. Sa huli, hindi na lang niya iyon inaalala at nahiga sa kama. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya ng mahimbing.Kinabukasan."Miss MJ.” Knock knock. May kumatok sa pinto."Miss MJ, naghanda ako ng cup noodles para sa iyo, para mawala ang kalasingan mo. Bumangon ka na at kainin mo ito habang ito’y mainit-init pa."Nasa tamang huwisyo na si M
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

Chapter 22 Ang Bagong Direktor

"Maari ba, huwag niyo nang banggitin ang pangalan ni MJ sa harap ko. Gigil ako sa babaeng iyon. Grrr."Nagkatinginan ang mga kasamahan at tumahimik na lamang. Gayunpaman, lalong nanlumo si Jackie. Noong una ay gusto niyang hanapin ang kanyang kapatid para ibunton dito ang kanyang galit. Ngunit ngayon kahit ang kanyang kapatid ay hindi na siya pinapansin. Hindi na niya ito mahagilap. Nasaan na kaya iyon?“Kakainis talaga itong si MJ. Siya ang may kasalanan sa lahat ng ito,” maktol niya sa sarili.“Just wait and see, MJ. I will definitely trample you under my feet,”pagtitiyak ni Jackie sa kanyang isip.Sa pag-alis ni Direktor Dale, nagbago ang buong kapaligiran ng Department of Design. Maaliwalas na ang mukha ng mga tao na para bang nabunutan ng tinik ang mga ito. Marami na ang nakangiti, lalong lalo na si MJ. Sa oras na iyon, biglang dumating ang HR manager at nagpatawag ng pulong."Everyone, be quiet, please. I am going to announce the company's latest personnel appointment."Lahat ay
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

Chapter 23 Ang Bisita

Nagkatinginan ang mga kumakain sa canteen at nagbubulungan. Anyare at ano ang nakain ng isang CEO na piniling kumain sa kanilang canteen sa halip na sa isang mamahaling restaurant? “Baka minamatyagan tayo,” bulong ng isa.“O baka naman nag hygiene check sa canteen natin,” sabat naman ng isa.“Ano? Hindi niya trabaho iyon ah,” sabi naman ng ikatlo. “Baka lamang nagsawa na sa pagkain sa mga restaurant at nais mamuhay bilang ordinaryong tao na kagaya natin.”Kampante lamang na kumakain ang lalaking may malamig na aura na para bang hindi nito nahalata
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

Chapter 24 Magnanakaw

Muntik nang atakihin sa puso si MJ dahil sa pagkabigla. Tumingala siya na may gulat sa kanyang mga mata. "Julius... I mean Sir Julius. What can I do for you?"Nagulat si Julius nang makita siyang nag-aayos ng isang kumpol ng mga hindi mahalagang dokumento. Hindi ba’t isang designer si MJ? At nakita niya ang kanyang mga disenyo. Pawang magaganda at orihinal ang mga iyon. Bakit siya gumagawa ng assistant work ngayon?"Please let me see the latest designs ng packaging ng kumpanya."Saglit na natigilan si MJ, at mabilis na nagsabi, "Okay sir, ibibigay ko ito sa iyo kaagad."Ngunit pagkatapos sabihin iyon, naalala niya na ang orihinal na disenyo ng kasong ito ay siya ang gumawa ngunit inangkin na ni Jackie ang mga iyon. Ngayon, paano niya mapatunayan na siya ang orihinal na may-ari ng mga iyon? “It’s her word against mine,” naisip ni MJ.Kaya nag-isip ng isasagot si MJ, "Paumanhin, Sir Julius. Ang bagay na ito ay hindi ko responsibilidad. Kung gusto mong makita ang disenyo, maaari kang mag
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Chapter 25 Virus

"In that case, your wish is my command."Muling sumulyap si Julius sa screen ng computer. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-iinsulto at tumingin muli sa direktor. May  pagkamuhi sa mga mata nito. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis.Nanginginig si Jackie habang nakatingin sa likod ng papaalis na lalaki. Recalling his cold eyes just now, hindi niya maiwasang mataranta.Ano kaya ang ibig sabihin ng kanyang boss? Sa tono ni Julius, parang may alam ito sa kanyang ginawa. Nagkausap kaya sila ni MJ tungkol sa mga disenyo? Labis na bumabagabag sa isip niya ang sitwasyong kanyang kinasasangkutan sa ngayon.“Hindi, hindi dapat. Sira ang computer ni MJ
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status