CHAPTER 8 Liam's POV NARITO ako sa loob ng kuwarto ni Jonathan, nakahiga at tinititigan ang kisami. Pero kahit na anong titig ko sa kisami tanging mukha lang ni Arizoña ang aking nakikita. "Liam matunaw yan!" Natatawang turan ni Jonathan. "Lakas ng trip mo e, ano bang ginagawa mo. Akala ko ba kakausapin mo si Papi, kung ako sayo kausapin mo na, naboboryo na ako rito." Wika pa niya. Umupo naman ako at binato siya ng unan. "Siraulo!" Asik ko at kinamot ang kilay. "Naalala mo siya no... ikaw naman kasi, bakit mo kasi sinaktan tapos ginanon mo pa," kahit hindi niya sabihin ng derekta ay alam ko ang pinupunto niya. "You don't understand, ang hirap ng sitwasyon noon Jonat," naituran ko na lamang at tumayo. "Walang mahirap sa nag mamahal," natatawang wika niya. "Wow huh! As if nag mahal ka na, makapag advise ka sakin parang batak ng mag mahal," wika ko at naglakad na patungong pinto. Tumawa na lamang siya. Napailing nalamang ako at agad na nag lakad patungo sa opisina ng ama ni
Last Updated : 2024-11-21 Read more