"pakiusap po iuwi nyo na po ako sa amin maawa na po kayo" pagsusumamo niya sa mga di kilalang armado na nagdala sa kanya sa loob ng bar sa siyudad ng Sicily,wala siyang halos maunawaan sa mga usapan ng mga ito,hindi niya akalain na dito siya dadalhin ng asawa ng ina niya ang pangako ng kanyang amain bago sila umalis ng bahay ay kitain nila ang kanyang ina dalawang araw na kasi itong hindi umuuwi at nag aalala na siya para rito. Gustuhin man niyang pumunta sa estasyon ng pulisya ngunit hindi niya alam ang pasikot sikot sa lugar. Tatlong buwan mula ng dumating sila ng ina niya sa Italy, kinuha siya nito sa ama niya sa pag aakalang mabigyan siya ng magandang kinabukasan at dito ipagpatuloy ang kanyang pag aaral pero pagdating niya sa banyagang bansa ay kabaligtaran nito ang pinangako ng ina sa kanila ng kanyang ama. "Ako si Maryana Torecilli,pero mas nakasanayan ko ang palayaw na Jean,pangalan daw ito ng aking lola sabi ni Papa dito ako pinanganak sa bansang Italy dating OFW si papa
Huling Na-update : 2024-12-18 Magbasa pa