Pero muling nagsinungaling si Anika sa harapan ni Lyndon na lalong ikinasingkit ng mga mata ng binata."Wala nga ito.Natumba lang ako.Kaya ako nagkaroon ng pasa""Fuck! Anika, hanggang ngayon ba naman pinoprotektahan mo siya.Wow!" galit ng sabi ni Lyndon.Tuluyan ng umalpas ang tinitimpi niyang galit.Hindi malaman ni Anika kung maiiyak ba siya o matatawa. Hindi niya maintindihan kung bakit ba siya inuusisa ni Lyndon?Kung ito ba ay para kaawaan siya o kung ito ba ay para pagtawanan siya at tawagin siyang ba tanga."Oo nga,Tingnan mo nga naman di ba? Sobra na akong pathetic. Sobra na kong nakakaawa at miserable.Sa tuwing nagsasabi ako ng totoo walang naniniwala sa akin" sabi na lamang ni Anika para ilayo na sana ang topic."Dahil sa mukha kang peke. Dahil halatang halata ka kapag nagsisinungaling" Sabi ni Lyndon."Talaga...!?""Oo, hanggang ngayon hindi mo pa rin maperpekto ang pagsisinungaling Anika.Hindi ka magaling dyan kaya itigil mo na" pambubuking sa kanya ni Lyndon."Masakit ba?
Last Updated : 2025-01-29 Read more