Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) : Kabanata 61 - Kabanata 70

270 Kabanata

🥰 Plano 🥰 Chapter 60

Chapter 60 Kahit nasa ospital kami ay hindi na namin napigilang pag-usapan ang nalalapit naming kasal. Sa kabila ng hirap at pagsubok na pinagdaanan namin, parang ang bawat plano ay nagbibigay ng bagong sigla sa aming lahat. “Anong gusto mong theme, mahal?” tanong ni Brandon habang nakaupo siya sa tabi ng kama ko, hawak ang kamay ko. Bagong paligo siya at ang bango niya, pero hindi ko pa rin maiwasang maalala ang nakakatawa niyang hitsura kanina. “Gusto ko simple lang… pero elegant. Para sa akin, mahalaga lang na andiyan ang pamilya at mga kaibigan natin,” sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko. “Gusto ko sa beach!” biglang sabat ni Janeth, na tumatawa habang nag-aayos ng prutas sa basket. “Masarap ang simoy ng hangin, tapos ang sunset ang background habang nag-eexchange kayo ng vows.” “Maganda nga ‘yun,” sabi ni Althea, sabay lagay ng kamay sa baba na parang nag-iisip. “Pero baka masyadong hassle para kay Heart. Tsaka buntis pa siya, baka hindi siya komportable sa biyahe.”
last updateHuling Na-update : 2024-12-24
Magbasa pa

🤭 Sweet ka pala, Brandon 🤭 Chapter 61

Chapter 61 Kinabukasan Tahimik ang kwarto nang magising ako. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumapasok mula sa bintana, at ramdam ko ang presensya ni Brandon sa tabi ko. Pagtingin ko, abala siya sa pagbabalat ng mansanas gamit ang maliit na kutsilyo. “Good morning, mahal,” bati niya nang mapansin niyang gising na ako. Ngumiti siya, at nakita ko kung paano napuno ng lambing ang mukha niya. “Good morning,” sagot ko, medyo garalgal pa ang boses ko mula sa pagtulog. “Ang aga mo yata? Hindi ka ba napagod kahapon?” “Hindi ako napapagod para sa’yo,” sagot niya habang tinatanggal ang mga buto ng mansanas. “At saka, gusto ko lang siguraduhin na maayos ang umaga mo,"dagdag nitong sabi. Hindi ko maiwasang ngumiti sa sinabi niya. “Ang sweet mo naman," tanging tugon ko at bahagyang bumangon sa aking pagkahiga. "Natural lang. Gusto ko kasing siguraduhin na palagi kang nakakaramdam ng pagmamahal," sagot niya habang tinutusok ang hiniwa niyang mansanas gamit ang tinidor. "O, kain ka
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa

🥰 Sana all sweet 🥰 Chapter 62

Chapter 62 Lumipas ang tatlong araw, at sa bawat oras na dumadaan, lalo kong naramdaman kung gaano ako kaswerte kay Brandon. Hindi niya ako iniwan ni isang saglit. Laging nasa tabi ko, sinisigurado niyang maayos ang lahat—mula sa pagkain ko hanggang sa bawat bagay na kailangan ko. "Good morning, mahal!" bati niya nang dumilat ako isang umaga. May dala siyang tray ng almusal—sariwang prutas, mainit na lugaw, at isang baso ng gatas. "Gising ka na pala. Tamang-tama, hinanda ko ‘to para sa’yo," sambit niya. Napangiti ako habang umayos ng upo. "Brandon, baka napapagod ka na. Lagi mo na lang akong inaalagaan," pag-alala kong sabi dito. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. "Mahal, kahit araw-araw akong mapagod, hindi bale. Ikaw at ang mga anak natin ang priority ko. Walang ibang mas mahalaga kaysa sa inyo," ngiti niyang sabi. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. "Sobrang swerte ko talaga sa’yo," sabi ko, halos pabulong. Ngumiti siya, yung tipong ngiti n
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

🥰 Sana all, sweet 🥰 Chapter 63

Chapter 63 Brandon POV Tatlong araw ang lumipas mula nang masigurado kong maayos si Heart, at sa bawat araw na iyon, mas tumitibay ang paniniwala ko na siya ang pinakamagandang biyaya sa buhay ko. Ang pagmamahal ko sa kanya ay lalong lumalalim habang pinapanood ko siyang nagpapahinga, kinakain ang mga hinanda ko, at hinahaplos ang tiyan niyang dinadala ang aming kambal. Habang nakatitig ako sa kanya ngayong umaga, parang tumigil ang oras. "Heart," tawag ko nang makita kong nakangiti siya habang kumakain ng mansanas. "Lahat ng kailangan ko sa buhay, nandito na sa harap ko. Ikaw at ang mga magiging anak natin." Napabuntong-hininga ako, ramdam ko ang init ng pagmamahal sa puso ko. "Ang sweet mo talaga, Brandon," tugon niya, ngunit nakita ko ang kilig sa kanyang ngiti. Lumapit ako sa tabi niya at marahang kinuha ang kamay niya. Ang lambot nito, ngunit naramdaman ko rin ang tibay at tapang ng babaeng minamahal ko. "Alam mo, Heart, hindi ko talaga inakala na darating ang araw na
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

😱 Kambal 😱 Chapter 64

Chapter 64 Pagkalipas ng pitong araw, maayos na ang lagay ni Heart, pero nanatili pa rin kami sa ospital dahil malapit na siyang manganak. Alam kong hindi pa tapos ang laban namin, kaya nananatili akong alerto at handa para sa kahit anong mangyari. Ngayon, halos lahat ng mahal namin sa buhay ay narito na. Pati ang mga kaibigan ni Heart, ang mommy niyang si Hope, ang mama niyang si Faith, at ang mga magulang ko. Halos puno na ang ospital sa dami ng tao, pero hindi ko alintana—basta para sa kanya at sa kambal namin. Habang naghihintay, napangiti ako nang maalala ang isang nakakahiya pero masayang alaala—ang proposal ko kay Heart. Hindi ko malilimutan kung paano ako nahimatay pagkatapos mag-propose. Sino bang hindi mahihimatay kung inakyat mo ang 12 floors ng hagdan para lang sorpresahin ang babaeng mahal mo? Pero ang nakakainis, ginawang biro pa iyon ni Heart. Paulit-ulit niyang pinapakita ang litrato ng pagkatumba ko, at ang tawa niya ay parang musika sa tenga ko kahit nakakahiya
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

🥰 Bagong simula 🥰 Chapter 65

Chapter 65 Ang mga sandaling iyon ay punong-puno ng emosyon. Sa lahat ng hirap at pagsubok, sa bawat pagdapo ng takot at pag-aalala, lahat ng iyon ay naglaho ng marinig ko ang iyak ng aming mga anak. Para bang isang milagro, na ang dalawang maliit na buhay ay dumating sa mundo—at lahat ng sakripisyo ay naging worth it. Habang tinitingnan ko ang kambal, nakangiti ako, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Saksi ako sa hirap na pinagdaanan ni Heart, at ngayon ay ang pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay namin—ang mga anak namin. "Ang saya ko, Brandon," mahina niyang sinabi, habang tinatangkilik ang mga anak. "Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ito!" dagdag niyang sabi sa akin. "Simula pa lang ito, mahal!" sagot ko, habang hawak ang kanyang kamay. "Ang bawat hakbang ay para sa iyo, para sa ating pamilya," ngiti kong sabi. At sa mga oras na iyon, natutunan ko kung paano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal—hindi lang sa isa't isa, kundi pati na rin sa p
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

😊 Bumili kana Brandon yung masustansya 😊 Chapter 66

Chapter 66 Habang kami ni Heart ay abala sa pag-aalaga sa kambal, hindi ko maiwasang mapansin ang mga mata ni Mommy Hope na puno ng pag-aalala. Naglalakad siya papunta sa amin mula sa gilid ng silid, at kitang-kita ko ang kanyang pagiging maagap sa lahat ng nangyayari. Alam kong matagal na niyang pinapangarap na makita ang mga apo niyang ito, at ngayon ay andito na sila. Ngunit may iba pang bagay na kailangan niyang asikasuhin. "Heart! Anak, kailangan mong kumain," sabi ni Mommy Hope kay Heart. "Bilhan mo siya ng pagkain, Brandon. Para sa mga bagong panganak, kailangan niyang magka-laman ang tiyan," utos niya sa akin. Tumango ako, at mabilis na lumabas ng silid. Hindi ko na tinanong kung anong pagkain ang nais ni Heart, alam ko na kung ano ang dapat bilhin ko—yung mga pagkain na espesyal para sa mga bagong manganak. Habang papalabas ako ng ospital, naramdaman ko ang mga matang nagmamasid mula sa mga kasama namin, pati na ang mga nurse na patuloy na nag-aalaga kay Heart at sa kamba
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

🫶 THE WEDDING DAY 🫶 Chapter 67

Chapter 67 Heart POV Noong pinanganak ko ang kambal noong November 23, 2023, napakasaya namin, pero aaminin ko, medyo naiinis ako. Ni isa sa kambal, walang nagmana sa akin! Ako ang naghirap magbuntis, nagdala sa loob ng siyam na buwan, naglihi kung anu-ano, pero lahat, nakuha sa ama—maging ang kakulitan! Ngayon, tatlong taon na sila, at kahit bata pa, may pagka-pilyo na. Kasalukuyan ko silang binibihisan dahil ngayong buwan na ang araw ng kasal namin ni Brandon. September 22—ito rin ang kaarawan ko. Pinili ko talaga ang petsang ito para isang handaan na lang. Habang ginagawa ko ito, hindi ko mapigilang ma-excite pero kabado rin. Sa wakas, magiging totoo na ang pangarap kong buo ang pamilya at may matatawag akong "akin." "Anak, ready ka na ba?" tanong ko kay Jimmie, habang inaayos ang kanyang barong. "Yes, Mommy!" sagot niya, sabay ngiti. Natigil ako saglit, dama ang emosyon sa kanyang sagot. "Masaya ako, anak, kasi sa wakas, magiging buo na rin kayo. Kahit maraming pagsu
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa

😱 WALA AKONG MASABI SA IYO BRANDON. KUNDI CONGRATS 😱 Chapter 68

Chapter 68 Brandon POV Hindi ko napigilang tumulo ang luha habang nakatayo sa gilid ng simbahan. May narinig akong tumikhim sa tabi ko, kaya napalingon ako. Si Red, ang kapatid ni Heart sa ama, ang nasa tabi ko. Iniabot niya sa akin ang isang panyo, kaya tinanggap ko ito at pinahid ang aking mga mata. “Tsk! Kaya ayaw ko ma-involve sa babae. Ganito ang eksena—nakakakilabot,” aniya, sabay iling. Napatingin ako sa kanya at ngumiti nang bahagya. “Wag kang magsalita ng tapos, Red. Baka kainin mo ang sinabi mo. Sinabi ko rin 'yan noon, bago ko nakilala ang kapatid mo.” Lumapit si Red sa amin at iniabot ang kamay ni Heart. May binitiwang bilin ito bago niya ako iniwan kasama si Heart. Nang magsimula ang seremonya, lahat ng kaba ko ay nawala sa oras na nakita kong papalapit si Heart sa altar. Matapos ang seremonya, dumating na ang oras para magbigay kami ng aming mga vows. “Brandon,” panimula ni Heart, na may kislap ng luha sa mga mata. “Ikaw ang taong pinangarap ko pero hindi
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa

❤ SWEET ❤Chapter 69

Chapter 69 Pagkatapos ng espesyal na sandali sa tabing-dagat, bumalik kami sa cottage at naabutan ang kambal na masayang naglalaro kasama ang mga tauhan sa isla. Napatingin si Heart sa akin at ngumiti. “Mahal, parang ang bilis nilang lumaki.” “Sa totoo lang, oo,” sagot ko, sabay hawak sa kanyang kamay. “Kaya dapat samantalahin natin ang bawat pagkakataon na magkasama tayo. Ang ganitong mga alaala ang dadalhin natin habang buhay.” Kinabukasan, nagplano kami ng isang family adventure. Sumakay kami sa bangka at nagpunta sa isang maliit na kuweba malapit sa isla. Habang papalapit, napansin ng kambal ang mga makukulay na isda sa malinaw na tubig. “Daddy, look! Fishies!” sigaw ni Jammie habang tinuturo ang tubig. Tumawa si Heart at sinabi, “Oo, anak. Ang daming isda! Mamaya, makakapag-snorkeling tayo para makita niyo sila nang mas malapit.” Pagdating sa kuweba, humanga kami sa natural na ganda nito. Ang mga stalactite at stalagmite ay tila mga kristal na kumikinang sa liwanag ng
last updateHuling Na-update : 2024-12-29
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
27
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status