"SHIT!" Hindi mapigilang mura ni Hyacinth habang nakahawak sa pader. Isang linggo na ang nakalipas magmula n'ong pinaalis siya ng mga magulang niya sa bahay nila at bumalik muli sila sa lumang bahay ni Caleb.This can't be! Napahilamos siya ng mukha. Isang pagkakamali ang nagawa niya bago siya umalis sa bahay ni Vash...ang mag-take ng pills.Two days na niyang nararanasan ang sintomas ng pagbubuntis. Ganito siya n'ong naglilihi siya kay Sean kaya pamilyar ang mga sintomas sa kanya.Namomroblema siya. Hindi naman sa ayaw niya sa bata kung sakaling buntis siya, ang inaalala niya ay ang ama. Ibig-sabihin, katulad ni Sean ay mararanasan din ng batang dinadala niya ang walang ama na kikilalanin at walang amang yayakap at hahalik sa kanya. Naaawa na nga siya kay Sean, paano pa kaya itong batang dinadala niya?Parang kaluluwa na naglalakad si Hyacinth pabalik sa kwarto. Puno ang kanyang isip kung ano ang dapat gawin. Ang kanyang katawan ay nandito, ngunit ang kanyang isip ay kung saan-saan
Last Updated : 2025-03-24 Read more