Naningkit ang mga mata ko sa nakakasilaw na ilaw ng venue. Kasalukyang ginaganap ang birthday celebration nina Phoenix at Kendrix. Napuno ng malalaking tao sa mundo ng business ang luhar, nakasuot sila ng kumikinang na gowns at mamahaling tuxedo. Nahihiya kong inaayos ang simpleng damit ko habang nakikinig sa usapan, tawanan at pagkalansing ng mga baso. Damang-damo ko ang pagiging makapangyarihan at prestiyoho ng lahat. Wala sa kalingkingan ang pamilya sa pamilya Henderson pero masasabi kong nasa kalahati ang yaman namin sa kanila. Nakatayo ako sa pinakasulok na para bang pinatalsik sa isang laro. Mahigpit kong hinawakan ang regalo, ang regalo na buong puso kong ginawa at maagap na binalutan. Ginugol ko ang lahat ng oras sa paggawa nito, binuhos ang lahat ng emoyson- ang frustration, ang pag-asa at ang pagmamahal bagkus umaasa akong mapansin niya ang existence ko. Kaso, inikot ko ang tingin sa paligid, damang-damo ko ang sakit ng pagiging out of place sa mundo niya. Nag-umpisang ru
Last Updated : 2025-02-04 Read more