DICKRAN’S POV; “What are you doing here?” tanong ko kay Eliza Marcos, isa sa mga ex ko. Parang isang taon na ang nakalipas, o siguro mas matagal pa, hindi ko na alam. Kung tama ang alaala ko, hindi ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay. Nagloko siya, at hindi ko siya pinatawad.“Babe, I'm here for you. I know that you were forced into your marriage with Del Rosso. I'm sorry for what I did, I regret everything," she said, crying.Kung katulad pa rin ako ng dati, malamang naawa na ako sa kanya ngayon. Noon, kahit tumulo lang ang luha niya, patatawarin ko na siya agad. Pero iba na ngayon, tapos na ang pagiging tanga ko sa kanya, hindi na ako magpakatanga ulit. Kahit ang mga panunukso ng mga kaibigan ko noon ay tinatanggap ko para sa kanya, pero ngayon, kahit umiyak siya ng dugo, hindi ko na siya mapapatawad."We've been done for a long time, Eliza. When you cheated, I forgave you. But now, I can't forgive you. Tama na siguro ang pagiging tanga ko sayo noon,” I said coldly.
Last Updated : 2024-11-06 Read more