Limang taon na din ang nakalipas at sa limang taon na iyon ay pinili kong maglaho na parang bula para lamang manatiling tahimik ang buhay naming mag-ina. Nagpunta ako dito sa probinsya nang batangas kung saan ang pangarap namin ni mama na mapuntahan noong nabubuhay pa lamang ito. Mas pinili kong putulin muna ang komunikasyon ko sa Manila lalo na kila kuya para naman hindi na ako masaktan pa. "Mama" napangiti ako nang marinig ko ang maliit na boses nang anak kong lalaki kaya kinawayan ko ito mula sa pwesto ko"Ahon ka na diyan anak at baka magkasakit ka pa" malambing na wika ko rito kaya agad itong lumabi dahil sa sinabi ko"Pero mama gusto pa ni Ken na magswim sa dagat" pagprotesta nito sa akin kaya agad na akong lumapit rito para paliwanagan ang makulit na bata"Anak hindi pwede na magtagal ka pa na magswim at baka magkasakit ka na naman, alam mo naman na nasasaktan si mama kapag nakikita kitang may sakit hindi ba?" mahinahon kong pagkausap rito at ipinaiintindi na hindi pwedeng ang
Last Updated : 2024-10-14 Read more