Home / Romance / Nang Minahal Ka / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Nang Minahal Ka: Chapter 41 - Chapter 50

75 Chapters

Episode 41: Sa Muling Pagkikita

~Braylon's POV~Binalabal niya kay Maya ang malaking blanket dahil sa lamig ng lugar. Sa terasa ang paborito nitong tambayan dahil kita ang mga punong mayayabong; ang mga pine tree sa kanilang harapan. Kabundukan ang pumapalibot sa kanila dahil secluded ang lugar na ito na sinadya niyang bilhin para malayo sa iba pang kabahayan. Malaking tulong sa kalusugan ng asawa ang bagong kapaligiran at sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nito, nagpapasalamat siyang may latest improvement ulit ito ayon na rin sa doktor ng babae."Hon." Nakangiting humawak ang asawa sa braso niya habang nakatutok ang mga mata nito sa mga bagong dating sa baba. "I think that's Brander and her wife. Looks like Renvie brought her whole family here." Sinundan ito ng tawa ng babae nang lingunin siya.Tumigas ang anyo niya nang makitang sinalubong ng kanilang ama ang mga bagong dating. Nasa pangalawang palapag sila ni Maya kung saan nakakonekta ang kwarto nilang mag-asawa sa terasa. May isang puno ng pine tree na nakata
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Episode 42: His Rage

~Braylon's POV~Halos madaling araw na pero napakailap pa rin ng antok sa kanya; napakaraming bagay ang samut-saring pumapasok sa utak niya lalo na ang engkwentro niya kay Renvie kanina. Wala na ang mga bisita nila maliban sa kapatid niyang si Brander kasama ang asawa nito na piniling mag-stay sa bahay niya ng isang gabi. Ayon sa kapatid, may naupahan ang mga ito na hindi kalayuan sa bahay niya pero gusto nitong makasama muna sila. Tulog na si Maya sa tabi niya kaya lumabas siya para magpahangin sa terasa ng kwarto nila.Sinadya niyang magpalagay ng elevator sa bahay nila para mas convenient sa daddy niya lalo na kay Maya at may limang kwarto rin ang bahay-bakasyunan na ito para sa buong pamilya. Madilim ang paligid at kahit isang bituin, wala siyang makita kaya napatingin na lang siya sa mapusyaw na ilaw sa garden pero nangunot ang noo niya nang mahagip ng paningin ang isang bulto ng tao. Babae. Nagtagis ang bagang niya dahil tatlong babae lang ang narito sa bahay niya ngayon; sina M
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Episode 43: His Revelations

~Brander's POV~Matapos ngang hindi makita sa loob ng bahay ng kapatid ang asawa, nag-ikot din sila sa labas pero wala ito. Mabilis niyang hinagilap ang cellphone para i-text ang babae. Walang kahit ano'ng message mula sa asawa kaya tinawagan na niya ito pero napamura lang siya nang mahina dahil out of reach ito."Ito talaga ang kinaiinisan ko sa kanya, padalos-dalos lagi, eh," reklamo niya habang inii-scroll ang screen ng cellphone para hanapin naman ang numero ni Evhan."Bro," tawag ni Braylon na palapit na sa gawi niya matapos itong mag-ikot sa labas. "Malapit nang lumabas ang araw, let's wait for that para 'di tayo mahirapan sa paghahanap. Mas maige nang maliwanag."Hindi kaya naglayas ang babae? Inabot na sila ng bukang-liwayway pero hindi pa rin niya malaman kung sa'n ito at balak niyang i-report ito sakali mang hindi niya matagpuan ang asawa sa buong araw na 'to; oras na hindi rin nito kasama ang pamilya. Kahit naman baliktarin niya ang mundo, legal na asawa niya pa rin ang bab
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Episode 44: Mourning

~Brander's POV~Hindi pa niya kayang mapagtagni-tagni ang lahat ng mga pasabog ng matandang Montefalcon dahil matapos ang tatlong oras nila sa ospital, dineklara na itong patay. Natulos siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang asawang yakap na ang katawan ng ama nitong wala nang buhay. Bakit napakabilis? Dinamdam niya nang labis ang pagkawala nito. Napahakbang siya palapit sa asawa at animo'y napakabigat ng katawan niya nang maglakad. Masakit! Sa kaunting panahon na nakilala niya ang lalaki, isa lang ang alam niya; mapagmahal ito sobra sa pamilya."Vie... love, I'm so sorry for your loss." Yakap-yakap na niya sa likod ang asawang nagwawala. "I'm so sorry." Namasa ang mga mata niya kaalinsabay ang sobrang sakit na nanunuot sa kanyang dibdib.Nanginginig ang katawan niya nang gumanti ng yakap ang asawa at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Maraming sinabi ang doktor na naka-trigger sa katawan ng pasyente, nagkaro'n ng complications nang ibigay ang ilang treatment dito. Hindi i
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Episode 45: Her Dad's Wake

~Renvie's POV~She'd been crying for several days. Wari'y naubos na ang luha niya sa sobrang pagdadalamhati dahil hindi mawala-wala ang sakit na nasa dibdib niya. She felt so empty, and the thought of not being able to see her loving father's face for the rest of her life filled her heart with a thousand pains. Nakadapa lamang siya sa kama habang tahimik na umiiyak. Nagpapasalamat siya na nandiyan lang si Evhan para asikasuhin ang lahat ng mga pangangailangan nila. Hindi pa niya kayang humarap sa mga tao."Anak."Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang nanay niya ito. Pinasundo ng Kuya niya ang mga ito sa Batangas at limitado ang taong pumapasok sa bahay nila dahil mas pinili nilang mga kamag-anak lang at malalapit na mga kaibigan ang pwedeng makadalaw sa labi ng ama. Walang media na involve para sa ikakatahimik ng buhay nila pero hindi rin ito maiwasan dahil sa labas ng village nila, may mga nakaantabay pa rin sa kahit anong impormasyong nasasagap ng mga ito mula sa mga bisitang lu
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Episode 46: Goodbyes

~Renvie's POV~Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang lumipas nang mailibing ang daddy niya. Pilit niyang tinutulungan ang sarili para hindi siya masadlak sa labis na depression dahil sa pagkawala ng ama. Kabilaan ang mga balita tungkol sa pamilya niya pero ni isa sa kanila ni Evhan, walang ibinigay na pahayag sa media o kahit magpaunlak ng interview sa mga reporter, kusa na nilang nire-reject.Si Braylon—napasandig siya sa upuan ng kanyang ama. Sa loob siya ng library ngayon nang maalala ang lalaki. Walang hinto na ang ginagawa nitong pag-text sa kanya para lang sa isang bagay; to file an annulment or divorce. Mas pinili niyang manatili muna sa bahay dahil nawalan siya ng ganang lumabas. Binawalan siya ni Evhan na manood ng balita o kahit na ang magbasa ng dyaryo dahil sila lang naman ang topic ng media. Sanay na siya. Ang pagiging tanyag ay may kaakibat na tsismis sa kanyang pamilya. Kakalkalin nito ang lahat ng baho mo may maibalita lang sila. Napatingin siya sa cellphone nang tumun
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Episode 47: Revenge And Resentment

~Braylon's POV~"Shit, Vie, sinusubukan kong 'wag kang patulan pero dinudoldol mo lagi ang sarili mo," hinihingal na saad ni Braylon habang hinahalikan ang leeg niya. " Did you m-miss me?"Naging mapaghanap ang mga kamay nito nang padaanan ang bawat bahagi ng katawan niya. Napangisi siya dahil tagumpay na naman siya."H-how it feels, bitch?" nakangising anas ni Braylon sa kanya."Are you still taking your pills, Vie? I don't want you to get pregnant so stop provoking me," yamot na saad nito pero malawak ang ngiti nito dahil puno na ng pagnanasa ang mga titig nito sa kanya.Ang music, katamtaman lamang ang lakas nito nang patugtugin niya. Malamyos ito na lalong nakapagbigay ng magandang ambiance ng lugar kung nasaan sila ng kalaguyo. Napapikit siya nang mariin pero mukha ng asawa ang biglang nagkahugis sa imahinasyon niya.Brander—gusto niyang isigaw nang maalala ito. Napakaliit ng mundo natin, hindi ako nararapat sa'yo. This is a goodbye, love. Sana hindi ka kapatid ni Braylon; sana h
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Episode 48: Pagsisisi

~Braylon's POV~ Nakayuko lang siya habang nakaupo; hinihintay ang paggising ng asawa. Dinala niya agad ito ng ospital matapos sumama ang pakiramdam nito. Stress ayon sa doktor ang dahilan isama na ang totoong sakit nito. Hindi pa clear sa sakit nito si Maya kaya dadaan na naman ito sa 'di mabilang na laboratories bago isalang sa IV drip treatment. Nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib kanina matapos ang insidenteng iyon; ang kataksilan niya na mismong na-witness nito. "I-I'm so sorry, honey," tigmak siya ng luha nang tingnan ang asawang nakahiga. Hindi niya alam kung ba't nanlalamig ang katawan ng asawa kagaya lang ng panlalamig nito sa kanya kanina pa. "I am such a fucking useless rotten cunt with no heart... No s-shame! No words can adequately show my weakness and lack of dignity. What a bad husband I am." Kahit hindi siya naririnig ng asawa dahil tulog ito, nagbabakasakali pa rin siyang naririnig ito ni Maya. Binigyan lang ito ng pampakalma ng doctor nang sumama ang pakiramdam n
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Episode 49: Mga Nabunyag

~Brander's POV~Kuyom ang kamao niya habang nagpipigil ng galit na nag-uumalpas na sa kanyang dibdib. Palakad-lakad sa harap niya si Evhan dahil sa mga rebelasyon niya patungkol sa kapatid nito. Hindi ito makapaniwala!"God, Brander! Are you s-sure?" naniniguro pang tanong ni Evhan matapos niyang isiwalat dito ang pakikipagrelasyon ng asawa sa kapatid niya kahit kasal na sila. Napapailing pa ito nang muling umupo katapat niya, "I cannot believe this, but why would she do that? She had you and you're legally married so why is this happening? Nasa'n na ang babaeng iyon nang makausap ko siya?"Kahit siya, hindi niya alam kung bakit ito kailangang gawin ng asawa sa kabila ng pagpapakasal niya rito. Okay na sila eh, ilang beses niya itong pinaalalahanan na siya lang sana ang maging lalaki nito sa kabila ng pakikiapid nito sa kuya niya, pero hindi pala sapat ang pagkatao niya kahit pa siya na ang kusang sumalo sa lahat ng kalokohan ng kapatid niya. Napasama pa pala. Akala niya nagbago na it
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Episode 50: Rage After Rage

~Brander's POV~Kung pwede lang dagdagan niya ang pasa ng kapatid nang makita ito, gusto sana niyang pagsusuntukin na naman ang pagmumukha ng lalaki pero nakuyom na lang niya ang kamao sa sobrang pagpipigil ng sarili. Magkakaharap na silang tatlo sa loob ng condo niya at ang daddy lang nila ang panay salita. Nanahimik sila nang salit-salitan silang tingnan ng ama."What?" takang tanong ng matandang lalaki sa kanila nang manahimik sila pareho. "Tell me what's happening and please explain everything."Puno ng talim ang mga mata niya nang pukulin niya ng tingin ang kapatid. Hindi ito mapakali at alumpihit pa sa kinauupuan nito. Ngisi na puno ng pagkasuklam ang gumuhit sa labi niya nang makita itong nagmukhang basang sisiw sa harap nila. Halatado sobra na may ginawa itong hindi maganda. Isang hampas sa balikat ni Braylon ang ginawa ng daddy nila kaya umangat ang mukha nito bigla."Dad—" Alumpihit na tawag ni Braylon sa ama. "I don't know where to start." Hindi ito makatingin nang deretso
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status