Nagsalita kaagad si Marcus sa harapan ni Divine matapos niyang marinig ang sinabi nitong 'yon sa kanya. Nakaramdam rin talaga siya ng takot. Hindi talaga magandang panaginip 'yon. "Maging ako ay ayaw ko rin na mangyari 'yon, honey. Walang gusto na mangyari 'yon, okay? Sana nga talaga ay hindi magkatotoo ang panaginip mong 'yon," sabi ni Marcus sa kanya."Oo nga, honey. Ayaw ko na mangyari 'yon. Kabaliktaran lang 'yon. Hindi 'yon magkakatotoo. Sinasabi ko 'yan sa 'yo, honey," sabi pa ni Divine sa kanya. "Kaya kailangan na mag-iingat ka palagi kapag nagmamaneho ka, honey."Marcus nodded immediately. "Palagi naman akong nag-iingat, eh. 'Wag mo akong iisipin, okay? Ikaw ang dapat na mag-ingat, honey. Hindi dapat mawala ang baby nating dalawa," sabi ni Marcus sa kanya."Hindi, honey. Parehas tayong dalawa kailangan na mag-ingat. Hindi lang ako, okay? Mas lalo ka na, honey. Ayaw ko na may mangyaring masama sa 'yo. Tandaan mo 'yan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko.
Last Updated : 2024-11-22 Read more