Pagkatapos nilang manuod ng movie sa sinehan ay kumain muna sila sa isang fast-food chain. Doon na rin nila inubos ang popcorn na natitira na hindi nila naubos kanina habang nanunuod ng movie."Saan mo ba gusto na pumunta pagkatapos natin na kumain, Divine?" tanong ni Marcus sa kanya. Nagkibit-balikat naman nga si Divine sa tanong na 'yon ni Marcus sa kanya."Hindi ko po alam, Kuya Marcus. Bahala ka na po kung saan mo ako dadalhin. Ikaw na po ang bahala. Kahit saan naman po tayo pumunta ay walang problema sa akin 'yon," sabi ni Divine sa kanya. Tinanguan siya ni Marcus pagkasabi niya."A, sige. Sinabihan ko nga pala ang Kuya Ivan mo na lumabas tayong dalawa ngayong hapon na 'to, Divine," sabi ni Marcus sa kanya."Talaga po? Sinabi mo kay Kuya Ivan na lumabas tayong dalawa ngayong hapon na 'to?" tanong ni Divine sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Tumango muli si Marcus sa harapan niya at mabilis nga na nagsalita sa kanya. "Oo, Divine. Actually, kanina ko pa sa kanya sinabi 'yon, eh.
Last Updated : 2024-10-29 Read more