Belyn “Aaron, isama n'yo si Tala,” suhestiyon pa ni Mommy Eulyn, nang magpaalam na kami lalakad na pauwi ng condo unit ni Aaron. “Ewan ko po sa, Misis ko. Gusto raw po muna niya ako ma solo,” tugon pa ni Aaron, sa Mommy Eulyn, nagitla ako sa sinabi nito kay Mommy. “Aaron ha, ang kapal mo. Ikaw kaya ang may sabi niyan sa akin hindi ako,” Mommy Eulyn chuckled because of my defensiveness. Alangan nakakahiya. Baka lang isipin pa ng biyenan ko, ayaw kong tumira sa kanila kaya gusto ko sa condo ni Aaron. Doon ko lang naalala nasa harap pa namin si Mommy Eulyn at Daddy Maynard. Nag-iwas ako ng tingin baka sabihin, inaaway ko ang anak nila. Talaga naman ang Chong na ito ako ang ginawang dahilan. “Wala naman sa amin hija, kung gusto mong ma-solo ang asawa mo. Lalo na bago kayong kasal. E, kung dito na lang kaya si Benesha. Para solo talaga kayo—” “M-mommy,” bulalas ko malakas na tumawa. “Biro lang, hija,” aliw na aliw na wika ng biyenan kong babae. Napangiti na lang ako ang gaan niya
Huling Na-update : 2024-10-08 Magbasa pa