Pagkapasok nila sa loob ng bahay, agad na sinabi ni Maxine kay Max at Khelowna ang napagkasunduan nila ni Thompson.“Hindi pwedeng manatili si Khelowna kasama ng mga bata sa bahay mo Max.”Hindi nagsalita si Max. Iniisip niya, wala na siya sa position para hadlangan ang gusto ni Khe ngayon. Kung anong pasya ni Khelowna ay gagawin niya, basta ay maligtas lang nito ang sarili pati na ang career na pinaghirapan niya.“Kung makita kayo ng magkasama, pinabulahan niyo lang ang sinabi ni Alora na nakipagbalikan ka kay Max, at pinili ni Max na itago ang hustisya kay Mavi. Mas lalo kang mapapasama.” Sabi ni Maxine kay Khe.“Pero ate, hindi yun ang totoo. Walang kasalanan si Khelowna dito. Alam mo yan.”“Alam natin ang totoo, pero hindi yun alam ng mga tao. Paniniwalaan lang nila kung sino yung umiiyak, wala silang pakialam kung yun nga ba talaga ang totoo.” Pinunasan ni Khe ang luha sa mata niya. “Anong mangyayari kung makita nila kaming nakatira dito kasama ni Max?”“Gaya ng nababasa mo sa la
Read more