Home / Romance / Carrying the Billionaire's Heir / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Carrying the Billionaire's Heir: Chapter 41 - Chapter 50

73 Chapters

Chapter 41

Sabrina’s POVLimang buwan na ang nakaraan mula nang mamatay si Ryan. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay siya, pero alam kong imposible ang iniisip ko. Hindi na mabubuhay ang taong namatay, pero gusto kong bisitahin niya ako kahit sa panaginip na lang. Gusto ko siyang makita at sabihin sa kaniyang sobrang namimiss ko na siya. Namimiss na namin siya.“Ang lalim na naman yata ng iniisip mo? Si Ryan na naman ba?” tanong ni William sa akin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. “1 pm magsisimula ang program.”“Tapos na akong mag-ayos. Let’s go?” Tumayo ako at kinuha ang bag ko.Simula ngayong araw, ako na ang bagong Presidente ng Jacobs Corporation. Labag man sa loob ko na tanggapin ang posisyon, pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay William at kay Ryan noong nakaraang buwan. Hindi ito para sa sarili ko, para ito sa kapakanan ng kompanya at pamilya ni Ryan.Maraming tumutol sa pagiging bagong Presidente ko kasi hindi pa raw ako lubos kilala ng mga tao. Sa mga nakaraa
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Chapter 42

Sabrina’s POV“Ma’am, ayaw tanggapin ng inyong kapatid ang perang pinapabigay ninyo. Gusto ka raw nilang makita,” saad ni Irene sa kabilang linya.“Hindi pa tapos ang meeting ko, Irene. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ‘yan?” Hindi ko na maitago ang iritasyong nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako. “Fine. Pagkatapos ng meeting ko ngayong araw ay didiretso ako riyan,” saad ko at binaba na ang tawag.Habang nasa meeting, hindi ako makapag-focus kasi tawag nang tawag si Felicity sa akin. I had no choice kung ‘di ang i-block siya. Hindi rin nagtagal ay natapos ang meeting. Ire-review ko na lang ulit ang mga napag-usapan sa meeting pagkabalik ko galing sa ospital.Nang nasa ospital na ako, kaagad kong hinanap ang room number ng pinaglagyan kay Tita Felicia. Tinawagan ko si Irene nang nasa labas na ako ng kwarto, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok.“Felicity!” sigaw ko nang sampalin niya si Irene habang nakaluhod.“May pinagma
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

Chapter 43

Sabrina’s POVFive years later… “Happy Birthday, Ma’am Sabrina!” Napakurap ako nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga empleyado mula sa likuran ko. Bigla akong napaikot, at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ng mga empleyado ko. May mga hawak silang mga lobo at streamers, at sa gitna, isang malaking cake na may nakasinding kandila. Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ‘to. Akala ko simpleng trabaho lang ang gagawin ko ngayong araw.“Happy birthday, Ma’am Sabrina!” sabay-sabay nilang bati ulit sa akin.Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang saya kahit na taon-taon naman nila akong sinusurpresa. Pero ang saya ko ay biglang napalitan ng gulat nang makita ko kung sino ang may hawak ng cake. Si Felicity. Ang half-sister ko. Ang babaeng halos hindi ko na kilala. Ang babaeng palagi na lang galit sa akin at panay ang paninira sa buhay ko.Nakasuot siya ng isang simpleng damit, pero ang ngiti niya ay tila may kakaibang intensidad. Parang isang nakakalokong plano ang nasa likod
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

Chapter 44

Sabrina’s POVDahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi habang nakatayo sa harap ng puntod ng aking mga mahal sa buhay. Ang malamig na simoy ng hangin ang tanging naririnig ko bukod sa pagkabog ng aking puso. Dito sa lugar na ito, sa libingan, ay rito ko nararamdaman ang kanilang presensya nang lubusan.“Kumusta na kayo riyan sa langit?” mahina kong bulong. “Namimiss ko na kayo ng sobra.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Bakit ba ang unfair ng buhay?” tanong ko sa kawalan. “Bakit ang bilis ninyong mawala sa akin?”Napayuko ako at hinaplos ang mga nakaukit na pangalan sa lapida. Ang bawat letra ay parang isang hiwa sa aking puso.Two years ago, tuluyan nang namaalam si Daddy. Hindi na kinaya ng kaniyang katawan.“Alam kong masaya na kayo riyan sa langit,” patuloy ko. “Pero hindi ko pa rin kayong makalimutan. Lalo na ngayon, kapag malungkot ako, kayo ang aking sandalan.”Naalala ko ang mga magagandang alaala namin. Ang mga pagsasama-sama namin sa mga espesyal
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

Chapter 45

Sabrina’s POVI dialed multiple times the number, pero hindi ko na makontak. Magdamag akong naghihintay, na baka tumawag ulit. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ‘yon ni Ryan. He’s alive!Tinanghali ako ng gising. Hindi mawala sa isipan ko ang taong tumawag sa akin kahapon. Mabuti na lang at Sabado ngayong araw. Wala akong trabaho.Tinawagan ko si Irene nang matapos na akong maligo. “Dumiretso ka na lang sa sementeryo. Huwag mong kalimutan ang bulaklak,” utos ko sa kaniya at binaba ang tawag. Ngayong araw ay 5th death anniversary ni Ryan. Ang bilis ng panahon, pero hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang sakit ng kahapon. Hindi ko matanggap na wala na siya at dumagdag pa sa iisipin ko kung sino ang taong tumawag kahapon sa akin. Pagdating ko sa living room, naabutan ko sina William at Evara na nagkukulitan. Dumapo ang paningin ko sa limang boxes na nasa sahig. “Ano na naman ba ang binibigay mo sa anak ko, William?” tanong ko nang makita ang malaking laruan na mukhang mamahalin. “Bum
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more

Chapter 46

Sabrina’s POVTatlong buwan na ang nakalipas mula nang makita ko ang lalaking dumalaw sa puntod ni Ryan. Halos araw-araw akong dumadaan sa sementeryo, still hoping na makita ulit siya dahil baka may alam siya kung nasaan si Ryan. Pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa at unti-unti ko nang tinatanggap na matagal ng patay si Ryan. Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni William na baka naha-hallucinate lang ako sa sobrang pangungulila kay Ryan. Napapabayaan ko na rin ang kompanya dahil hindi ako makapag-focus. Hindi mawala-wala si Ryan at ang lalaking nakita ko sa luntod niya sa aking isipan. “Forget him and move on,” paulit-ulit na paalala ni William sa akin sa tuwing nawawala ako sa sarili ko. “Ma’am Sabrina, ito na po ang mga dokumento kakainanganin ninyo para sa meeting mamaya,” saad ni Irene nang pumasok siya sa loob ng aking opisina, may dala siyang kape. “Pakilagay na lang ang mga ‘yan sa kabilang table. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko,” saad ko at tinikman ang ka
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more

Chapter 47

Sabrina’s POV “Ma’am Sabrina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Irene sa akin. “Ilang araw na kayong nawala sa focus.” “Yes, of course. Marami lang akong iniisip. Alam mo na, may problema na naman sa isang hotel na pag-aari ng asawa ko.” Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sabihin kay Irene ang totoong dahilan kung bakit ako palaging lutang, wala lang talaga akong lakas kasi ayaw kong isipin niya na nababaliw na ako sa kaiisip ni Ryan. Tumingin ako sa calendar ko na nasa ibabaw ng table, tiningnan ang mga gagawin ko at pupunta ko ngayong linggo. Bumuntong-hininga ako nang maalala na magkikita pala kami ni Shaira sa Sunday, kasama niya ang kaniyang asawa. Bigla na lang akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Palaging gabi na rin akong nakauuwi kasi mas gusto kogng manatili sa opisina kesa sa bahay. Sa tuwing nasa bahay kasi ako ay palagi ko lang nakikita ang pigura ni Ryan kahit saan. Kailangan ko na yatang magpa-check u
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Chapter 48

Sabrina’s POV Pinatawag ko si Irene, iinutosan siyang palabasin si Riza sa opisina ko at kausapin ang Manager kung mayroon bang bakanteng trabaho na pwedeng ibigay sa kaniya. Gustohin ko man ang hindi bigyan ng trabaho si Riza, pero inisip ko ang anak niya. Siguro naman kahit tagapunas ng mga bintana sa iba’t ibang opisina ay makakatulong na ako sa kaniya. “Ma’am, sa cleaning staffs namin nilagay si Ma’am Riza,” saad ni Irene nang makabalik siya sa opisina ko. “Good. Pabantayan mo siya ng mabuti sa Manager at iba pang staffs natin. Wala akong tiwala sa babaeng ‘yon,” bilin ko. “Magsisimula na po ang meeting, Ma’am,” saad ni Irene kaya lumabas na kami sa opisina. Ang conference room ay puno ng mga executives, architects, at project managers. Ang bawat isa sa kanila ay abala sa pagbubuklat ng kanilang mga plano at dokumento habang hinihintay ang pagsisimula ng meeting. Naupo ako sa dulo ng mahaba at makintab na lamesa, ang lugar na palaging nakareserba para sa akin bilang CEO
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 49

Sabrina’s POV Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror sa opisina ko, inaayos ang huling detalye ng aking look para sa gabing ito. Sa isang oras, magkakaroon ako ng dinner meeting sa isa sa pinakamahalagang potential investors ng Jacobs Group. Ito ang klase ng gabi kung kailan ang bawat salita, kilos, at kahit ang suot mo ay may epekto sa magiging desisyon nila. “Ma’am Sabrina, narito na po ang updated profile ng investor,” sabi ni Irene, ang sekretarya ko, habang inilalapag ang folder sa tabi ng mesa. Tumango ako habang inaayos ang aking hikaw. “Salamat, Irene. Nai-check mo na ba lahat? Ang reservation, ang dietary preferences niya, at ang flow ng presentation?” “Yes, Ma’am. Confirmed ang reservation sa Le Jardin at sinigurado kong may option para sa vegetarian menu. Nasa bag niyo na rin po ang updated pitch deck, just in case kailanganin niyo,” sagot niya nang may kumpiyansa. Tiningnan ko siya sa salamin. Isa si Irene sa mga tao sa kumpanya na halos walang palya. Kaya ko siya
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 50

Sabrina’s POV Pagkatapos ng mahaba at pormal na pag-uusap tungkol sa kumpanya, tumayo si Shaira mula sa kanyang upuan, nagmamadali habang may hawak na cellphone. “I’m terribly sorry, Sabrina,” sabi niya, bahagyang balisa. “There’s an emergency at one of our sites, and I have to leave immediately. Roscoe, can you stay for a bit and finish the discussion? I trust you will handle it.” Tumango si Ryan—o Roscoe, ang lalaking kaharap ko na hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung mas mahirap ba ang makita siyang buhay o ang makitang hindi niya ako kilala. “Of course,” sagot niya kay Shaira, kalmado at propesyonal ang boses. “I will catch up with you later.” Ngumiti si Shaira sa akin. “Thank you, Sabrina. Let’s touch base tomorrow.” “Of course, Shaira. I hope everything gets resolved smoothly,” sagot ko, pilit na pinapanatili ang pormalidad sa kabila ng kaguluhan sa isip ko. Pagkaalis niya, naiwan kaming tatlo sa mesa—ako, si Ryan, at
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status