Mapait na ngumiti si Thyra at bahagyang bumaba upang magkasing-tangkad sila ni Thrina. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito."Tama ka, pero, baby, hindi ibig sabihin na kapag binalikan ka ay mahal ka. Kung mahal ka niya, bakit ka niya iiwan in the first place?" Saad niya.Tumango naman ito."Paano po kung may ginawa lang siya, tapos bumalik siya kasi love ka po niya?"Umayos naman si Thyra sa pagkakatayo."Kahit na, anak. Hindi valid iyon. Iniwan ka pa rin niya, at kung love ka niya, he will think you will be hurt if he leaves you."Bumuntong-hininga si Thrina."Ang complicated naman po, Mommy."Natawa naman siya nang bahagya."Kaya huwag mo munang isipin 'yon, baby. Gusto mo bang balikan ko ang Daddy mo, anak?"Ngumiti si Thrina at masayang tumango."Oo naman po, Mommy! Para buo na po tayo. At hindi niya na tayo iiwan," masiglang sagot nito."Love ko kasi si Papa Felip mo, kaya mahihirapan ako sa gusto mo," nakangiting saad ni Thyra."I know po. Bawal po ba kapag mahalin niyo
Last Updated : 2024-12-03 Read more