AYAW pa rin bitiwan ni Yves si Hanni na nangalay na siya dahil halos kanina pa sila roon. “Yves, let me go, hmm?” aniya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit sa kanya nito at ramdam niya ang pag-iling ng ulo nito “Hindi. Dito ka lang.”Pumikit si Hanni, nagbilang ng hanggang sampu ngunit hindi pa rin siya pinawawalan ni Yves kaya nag-decide na siya na itulak ito. Nabigla naman si Yves na halos mapahiga ito sa hospital bed. “H-Hanna?”Tumayo si Hanni at nagpameywang sa harap ni Yves. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki na halatang gulat pa rin. Dahil hindi suot ang salamin sa mata, mas maamo ang itsura ni Yves at para itong inosenteng bata na napagalitan. “Mukha bang aalis ako, ha? Sabi kong bitawan mo ako kasi hindi na ako makahinga! Tsaka tingnan mo nga 'yang sarili mo, ang hina mo pa! Tingin mo makakaalis ako na ganyan ka? Sumuka ka ng dugo at maysakit tapos iiwan kita rito? Hindi ako gan'on kasama, ah!”Akala niya ay magagalit si Yves sa sermon niya ngunit nakita niya na may
Last Updated : 2024-09-30 Read more