POV- ISSA Pagkatapos namin kumain ng mga kaibigan ko, at mga kaibigan ni Anthony sa Restaurant ay umuwi na kami. "Bye babe," paalam ni Anthony sa akin ng ihatid kaming tatlo sa labas ng gate dito sa dorm. "Bye ingat," sagot ko sa kanya, at tuloyan na syang umalis. Kami naman ng aking dalawang kaibigan ay pumasok na sa loob. "Good night mga tukmol," antok na wika ni Marian. "Good night din sayo krung, at sayo din dwende," Sagot ko. "Yawa kayo oi, hindi naman ako mukhang dwende," asar na sagot ni Szarina. Kaya kami ni Marian ay natawa na lang sa tinuran ni Szarina habang pumapasok sa kanya kanyang kwarto namin. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nag half bath agad ako, pagkatapos ko mag half bath ay nagbihis na ako at natulog na. Nagising ako sa sunod sunod na katok, kaya napabalikwas ako ng bangon. Sinilip ko sa hole kung sino ang kumakatok, ang dalawang tukmol lang pala. "Bakit ano ang kailangan ninyong dalawa? inaantok pa ako," tanong ko sa dalawa. "Baliw kaba!"
Last Updated : 2024-07-02 Read more