Maya maya pa ay naalerto siya ng mayroong paparating sa tinutuluyan niya. Dali dali siyang nagtago sa isa sa closet na naroroon.Nakita niya mula sa butas niyon ang mga lalaki na nakasuot ng full black suit. Tila mayroong hinahanap ang mga ito at alam niyang siya ‘yun.Unang naisip niya ay tauhan iyon ni Alexander, hindi talaga siya titigilan ng mga ito.“Negative,” sabi ng isang lalaki sa tila pinakang leader nila.Nakatingin lang si Tara sa butas at nasa harapan niya ang mga ito ngayon. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kaniya. Ayaw niyang àmàtày pa dahil ipaghihiganti pa niya ang ina.“Sige, baka wala nga dito. Sa iba nalang tayo maghanap,”Sabi ng lalaki sa tauhan nito at umalis na sila doon.Nakahinga ng maluwag si Tara dahil doon pero napatili siya ng biglang bumukas ang closet na hawak niya.“Ahhh!!!”Sigaw na sabi ni Tara.“Hello, Ms.Tara. Kanina ka pa namin hinahanap,” ngising sabi nito at kinuha na nila ang babae.Sapi
Last Updated : 2024-07-31 Read more