Kasal ni william at Noreen POV WILLIAM Nandito ako sa labas ng St. Patricks Cathedral sa NY kung saan katatapos lang ng kasal namin ni Noreen. Sa lahat ng taong nagkakasiyahan ay ako lang siguro ang taong walang gana at nagpapadala nalang sa agos hanggang sa matapos ang kasal at patungo kami ngayon sa receiption. Nandito lahat ng mga malalapit namin na kapamilya at kaibigan. Nakita kong papalapit sa akin ang bestman ko na si Anthony, "Congrats bro! " bati nito ng makalapit ito. "Thanks Bro!" malungkot kong sagot dito. "Oh? Bakit parang hindi ka masaya? May problema ba?" magkasalubong nag kilay na tanong nito. "Hmm. Basta bro! Malalaman mo rin kapag may time usap tayo" wika ko dito. Nagtataka nalang itong napatitig sa akin dahil nilapitan na ako ni Noreen at sasakay na kami ng kotse. "Bro, kita nalang tayo sa receiption!" at kinawayan ko ito bago pumasok ng sasakyan. Pagdating namin ng receiption ay hindi na ako nagulat sa engrandeng celebrasyon. Sanay na ako dito pero hindi
Huling Na-update : 2024-05-30 Magbasa pa