“Ano ba kasing bibilhin mo?” tanong niya kay Raphael. Raphael smiled, tulak-tulak niya ang wheelchair nito. Hindi niya alam ang trip nito. Katatapos lang nilang bumili ng bagong cellphone nito. “I want to buy my kids jewelry,” wika nito.“Aanhin naman nila ‘yan? Well, kung gusto mo ikaw bahala. Pera mo naman ‘yan,” kibit-balikat na sambit nito. “Also the kids mentioned, they liked this certain fast food chain? Gusto ko bumili ng pasalubong roon,” saad nito. “Ahh… hindi ba’t masyadong marami na ang pinapamili mo?”“Like I said, babawi ako. And please do tell me if you want anything,”“Kaya kong bilhin kung ano ang gusto ko,” giit niya pa.Inabot ni Raphael ang kamay niya na nasa likod nito, hinawakan niya ito at pinisil. “I know that but I want to spoil you too. Hindi lang sa mga bata ako dapat bumawi, dapat sa ‘yo rin. We haven't talked about our relationship. But I know for a fact that you deserve the best treatment.”“Hindi kita inoobliga na bumawi sa ‘kin, Raphael.” She sighed,
Last Updated : 2024-08-06 Read more