Isang buntong-hininga ang tahimik na pinawalan ni Patricia mula sa bibig nang sagutin ang pag-iingay ng cordless phone, nahuhulaan na niya kung sino iyon."Ma, sinabi ko naman sayo, I'm busy. Hindi ako pwede sa araw na yun."Ilang araw na siya nitong kinukulit na ipakilala sa anak ng mayaman nitong amiga. Kilala niya ang babae. Well, who wouldn't? Retirong sikat na actress lang naman ang bagong amiga ng kanyang ina. Hindi naman sa sinasabi niyang social climber ang kanyang ina, pero halos ang lahat ng amiga nito ay kilalang tao sa bansa. Hindi sila kasing yaman ng mga ito, pero kilala ang kanyang ina bilang isang sexy na physical fitness trainer."I know you're busy, baby. But can you squeeze me in in your busy schedule this coming Sunday?" may halong pangungonsensyang sabi ng kanyang ina mula sa kabilang linya.Naitirik na lamang ni Patricia ang mga mata sa ceiling."I know you're rolling your eyes right now. Ganoon yata talaga ang mga kabataan ngayon. Pagkatapos kang pahirapang umir
Magbasa pa