Adela’s Point of ViewIsang lalaking nakasuot ng itim na nagmimistulang pari ang bumungad sa gilid. Gaya ng sinabi niya, tumigil ako sa pag-iyak at sinilip kung nasaan siya. The moment I set my eyes on him, nalaglag ang panga ko. May hawak siyang bibliya. Malinis ang gupit niya, kitang-kita ang panga, at may tuod sa mukha. Dahan-dahan akong tumayo at napayuko"Father..." tanging sambit ko, hindi makapaniwala na siya ay isang pari, isang matipunong pari."Baka matulungan kita, hija. Ano ba ang dahilan kung bakit ka tumatangis?” Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na ipahayag ang aking nararamdaman. Umupo ako sa tabi ng pari, may mga pasa sa buong katawan. Pinunasan ko ang mga luhang lumabas sa aking mga mata habang nakahawak sa puting simpleng damit na suot ko."I'm so tired, f-father," nabasag ang boses ko. "Hindi kayang ipakita ng mga magulang ko ang pagmamahal sa akin..."Hindi siya nagsalita, sa halip, nanatiling seryoso at nananatiling malamig ang mukha. Kinalikot ko a
Last Updated : 2024-04-08 Read more