All Chapters of SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos: Chapter 11 - Chapter 20

36 Chapters

Chapter 11

BeaInilayo ko ang aking sarili sa kaniya at parehas pa kaming nabigla. Noon ko lang din namalayan na lumaylay na pala sa balikat ko ang strap ng suot kong manipis na pantulog. Maya-maya lang ay biglang pumasok si Mrs. Gil dala ang panlinis na ginamit niya.“Huh?!” Alerto akong iniayos ang laylayan ng strap ng damit ko.“Ay, por santo!” biglang sabi ni Mrs. Gil sa amin. “Ay, pasensiya na kayo, n-nandito pala kayo. Ilalagay ko lang sana itong mga dala-dala ko sa storage,” nahihiyang sabi pa ni Mrs. Gil sa amin.Sa taranta ko rin, bigla ko na lang binitbit ang baso sa counter top saka inubos ang laman niyon. Maya-maya lang ay malalaki ang hakbang kong iniwan silang dalawa sa kusina. My god, nakita ba kami ni Mrs. Gil na naghahalikan? Shit, Bea! Nakakahiya! Napaisip ulit ako habang paakyat ako sa hagdanan, mag-asawa ang tingin ni Mrs. Gil sa amin ni Alonzo at wala akong dapat ipag-alaala. Natural sa mag-asawa ang maghalikan kaya lang ay kami lang nakakaalam ni Alonzo na mali iyon. Maling
last updateLast Updated : 2024-08-04
Read more

Chapter 12

BeaMaang na nakatitig sa akin si Alonzo nang sabihin ko ang totoo at madilim pa rin ang mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya lalo na ngayon na padalos-dalos na naman siyang nagagalit nang walang dahilan. He went to my job place and he did this kind of unrespectful thing. Kung makapilipit siya, parang ang laki ng kasalanan ni Benedict sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang pinagmulan ng kaniyang galit at heto akong walang ideya.“Manliligaw ko si Benedict matagal na,” pag-amin ko. “S-Sagutin ko na sana siya kapag natapos na ang kontrata nating dalawa. Pero dahil sinira mo na ang momentum namin, wala na.” Napalunok na lang ako sa hindi pagsasabi ng totoo. Nais ko lang na tumigil na siya sa kabaliwan niya.Matagal na nakatitig sa akin ang lalaking ito. Hindi makagpigil sa temper niya at tila baliw kung sumugod na lang basta-basta. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. He’s too dangerous yet something different in him.“From now on, hindi ka na magtatrabaho kahit saan
last updateLast Updated : 2024-08-05
Read more

Chapter 13

BeaMatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, tila nagpatianod na ako at naniwala. It was a kind of lullaby when he said that he would take this chance to make this marriage into real. At ako naman na naniwala sa matatamis niyang salita, tuluyan siyang pinahihintulutang tangayin ako at…angkinin.Yes! Ang matapang na imahe ko ay susuko rin pala sa isang Alonzo Montecarlos. Ang harang na inilagay ko sa pagitan naming dalawa ay binasag na rin niya. Magkaaway man ang turingan namin sa isa’t isa pero humantong kami sa ganitong sitwasyon na tanging ang kwartong ito ang saksi sa lahat ng kahibangan ko. And I let him do that thing. Nandidilim at umiikot man ang paningin ko sa tama ng alak sa katawan ko, tanda ko pa rin ang sensasyon bumabalot sa aking katawan.Nakakapanibago. Nakakabuhay ng sensasyon na noon ko lang naramdaman at natamasa mula sa kaniya. Ang bawat paghalik at pagdampi ng mga labi ni Alonzo sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan, tila tinutupok ako ng mainit niyang paghapl
last updateLast Updated : 2024-08-09
Read more

Chapter 14

Bea“Araay…”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko habang dumadaing sa tindi ng sakit ng aking ulo at ang maselang bahagi ko. Pilit din akong bumangon habang nagsisimulang intindihan ng isipan ko ang umagang ito.Inilibot ko ang paningin sa paligid ko at nang matantiya kong wala ako sa aking kwarto, biglang nagtahip ang kaba sa dibdib ko. I know that it wasn’t my room and it’s someone’s place. Maya-maya lang ay nahagip ng paningin ko ang malaking portrait ng half-naked na katawan ni Alonzo sa dingding, mas lalong nagrambulan sa kaba itong puso ko.“Shit!” mura ko sabay nagpalinga-linga sa paligid. “Kwarto nga niya ito!”’ Maya-maya lang ay napatingin ako sa katawan kong walang kahit ni isang saplot. “Oh, my god!” Nanlaki ang mga mata ko sabay nagtakip ng aking bibig. “M-May nangyari ba sa amin kagabi?!”Nataranta ako habang iniisip ko ang mga nangyari kagabi. Kumilos ako agad at bumaba ng kama niya saka tinungo ang mga nagkalat kong damit at panloob pero dalawang hakbang pa lang ak
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

Chapter 15

Bea“Ate Bea!!”Sabay-sabay na sumalubong sa akin ang mga kapatid ko pati ang aking mga magulang nang salubungin nila ako sa NAIA Terminal 1. Sobrang nagagalak sila dahil sa wakas ay makakasama na nila ako. Ako naman na agad silang niyakap isa-isa lalo na ang mga magulang kong pinananabikan ko rin makita at makasama.“Ate, ang ganda-ganda mo. Nakakaganda pala sa Italy!” eksaheradang wika ng kapatid kong binabae na si Arman.Bata pa lang ay nakita na namin siya na malambot kung kumilos at tanggap naman iyon ng pamilya ko. Hinayaan na lang namin siya at sinuportahan na rin sa kung saan siya masaya. Si Arman ang sumunod sa akin at panganay na anak nila ng tinuring kong pangalawang ama. Nasa kolehiyo na siya ngayon at tinatapos ang kursong nursing. Ang sumunod naman ay si Cheska at Jilibeth na nasa ikaanim na baitang sa elementarya, mga kambal kong kapatid sa ina.“Mas maganda ka,” sabi ko naman sa kaniya.“Perfect!” ganti niya. “Gusto ko iyang mga hirit mo ngayon, ate. Alam mo naman na s
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 16

Bea“A-Anak…” Ginagap niya ang kamay ko. “A-Ang sabi ng doktor sa akin na gumamot sa iyo ay…mahigit isang buwan ka ng…nagdadalangtao. At…at n-nakunan ka,” aniyang may luhang namumuo sa gilid ng k aniyang mga mata. “H-Hindi kita huhusgahan, anak, pero gusto kong malaman ang totoo mula saiyo.”“Ho?” Noon ako sobrang nabigla at labis na kinabahan sa sinabi ng nanay ko. “Paanong—” Naalala ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Alonzo. I was pregnant? Nanginig ang katawan ko hanggang sa namuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Nasapo ko ang aking bibig at pigil ang pag-iyak ko nang mga sandaling ito.“Sabi ng doktor, hindi na niya nailigtas ang namumuo sa sinapupunan mo gawa ng pagkatama ng bakal sa iyong puson. Anim na linggo pa lang ito at dugo pa. Anak, maaari ko bang malaman kong sino ang ama?”Humikbi na ako. “Nay… Sorry…”Samu’t saring emosyon ang ipinakita ko sa aking ina habang yakap-yakap niya ako. Wala akong kaalam-alam na nagbunga pala ang isang pagkakamaling nagawa ko. An
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 17

AlonzoIt’s been three months since Bea left me with signed divorce papers. Hindi ko na siya mahagilap pa mula noon dahil wala na siya sa dati niyang inuupahan. Nalaman ko rin na nakaalis na pala siya ng bansang Italy at umuwi ng Pilipinas. I never explained to her about the documents she found on my table.It’s seven o’clock in the evening and I am still in my office. Nakaupo ako sa swivel chair ko habang nakakalat ang mga dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Kanina ko pa pinag-aaralan ang kasong hawak ko ngayon pero si Bea pa rin ang laman ng isipan ko. I remembered that night when I kissed her, touched her innocent face and make love with her. Love? I don’t know if I need to called it love.I pick up my phone and called my cousin Ethan. Kailangan ko rin ipaalam sa kaniya na wala siyang kinalaman sa kasong pinapahawakan niya sa akin. Abswelto siya sa kasong hindi naman niya ginawa bagay na pinoproblema niya ilang buwan na rin ang lumipas. Isa pa ay nais ko rin siyang batiin sa kaarawa
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 18

BeaNaging maayos naman ang trabaho ko rito sa resort at mainit ang pagtanggap sa akin ng mag-fiancee na sina Sir Ethan at Rose. Nakilala ko si Rose na isang mabait at maaalalahanin sa aming mga empleyado rito sa resort. Heto nga at nagpapitas pa ako ng mga sariwang mangga sa mga tauhan ko para sa kaniya. Mabuti na lang at pumayag naman si Mang Roberto na mamitas kami sa mga puno ng mangga malapit sa renovation area.Nasa bungad na ako ng main gate habang hinihintay si Rose. Itinuring ko siyang malapit na kaibigan na rin dahil bukod sa mainit niyang pagtanggap ay nagbibigay din siya ng meryenda para sa aming lahat. Pareho rin kaming bread winner kaya nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Nalaman kong hindi naman siya ipinanganak na mayaman ayon na rin sa mga napapagkuwentuhan namin. Nang makita ko siya ay dali-dali siyang naglakad upang salubungin ako.“Bea,” tawag niya. “Ay, salamat naman at may mga bunga pa,” tuwang sabi rin niya.“Hi, Rose. Heto na ang request mo. Mabuti nga at may
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 19

BeaHindi ako makatulog nang sumapit na ang gabi. Kung ano-ano na lang ang ginagawa ko para lang talaga dalawin ng antok pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Marahil ay dahilan nito na nasa kabilang Villa lang si Alonzo at any time ay magtatagpo pa rin ang landas namin.Bukas pa ang ilaw sa living room at sinadya ko iyon dahil heto pa nga ako at dilat na dilat pa ang mga mata. Natapos ko na ang report ko para kay Sir Ethan at ilang mga drawings na ipinakita sa akin ng design team. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Nagtaka naman ako kung sino itong kumakatok sa dis-oras na rin ng gabi. Baka isa sa mga tauhan ko at emergency kaya agad ko itong binuksan. I opened the door and I was stunned when I saw him in front of it.“Alonzo?! W-What are you doing here?” inis kong tanong sa kaniya.Malamlam ang kaniyang mga mata at halatang nakainom siya. Kilala ko siya lalo na kapag nakainom na at alam kong magwawala na naman siya kapag hindi napagbibigyan. Nangako ako ka
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 20

AlonzoI passionately kissed her while I wrapped my other arms around her waist. This is my only way how to ease her annoyance with me. I don’t know why she felt like this just as cold as winter comes. Hindi pa nga winter pero ganito na siya umasta sa akin. Iniisip ko kung ang pag-iwan ko sa kaniya nang araw na iyon ang dahilan o ang divorce papers na hindi ko intensiyong ipahanda sa attorney ko.Nang maramdaman kong hindi siya pumalag, mas lalo pa akong naging mapusok sa kaniya. I missed her kiss and I was longing for this moment. I felt her lips moving and I swear I wanted to take her beyond this. I also felt she was trembling but I am here to make her facile. Napahigpit pa ang hawak ko sa kaniyang baywang hanggang sa may tumikhim sa likuran naman dahilan kaya biglang napabitaw si Bea sa akin.“Huh?!”“Naku, wrong timing yata ako,” wika ni Mang Roberto sa amin. “Babalik na lang ako mamaya, Sir Alonzo.”Si Bea naman na dali-daling kinuha ang mga nagkalat na blue prints at tinulungan
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status