NAKATAYO ako sa harap ng aking canvas. Higit kumulang tatlumpong bata ang tuturuan ko ngayon. Ang pinakabata sa tuturuan ko ay nasa edad pito, ang pinakamatanda naman ay nasa sampu. Wala dito ang mga mas bata dahil iba naman ang activity nila ay ibang volunteer ang hahawak.Una kong pinaalala sa kanila ay ang paghahalo ng mga kulay. Ipinakita ko na pagpinaghalo ang yellow at blue, nagiging green ito; red at yellow, nagiging orange; blue at red, nagiging violet.May mga prutas sa harapan namin. Naroon ang manga, watermelon, grapes, at orange sa ibabaw ng mesa. Noong isang taon ay mga bulaklak ang pina-paint ko sa kanila, ngayon naman ay naisipan kong mga prutas ang magandang gawin."Pwede kayong maglaro sa mga kulay Ialo na sa background ng mga prutas," sambit ko habang inaayos ang sarili kong painting.Covered din ito ng ilang media. Hindi nga lang kasing dami noong event pero mayroon paring nag do-document sa ginagawa ng mga bata.Umayos ako sa pagkakaupo ko. Tahimik ang mga bata at
Last Updated : 2024-04-17 Read more