Lumabas ako ng kwarto na hindi na maganda ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako, hindi ako mapakali. “Ma’am Janiyah, magsisimula na ang party at nariyan na rin ang mga bisita…” Lumapit sa akin ang isang helper at sinabi. Hindi ako nagsalita, tinignan ko lang siya na tila ba gusto kong itakas niya ako rito. Hindi ko kayang ituloy, kinakabahan ako na makita ko ang presensya ni Angela sa paligid. “Ma’am, ayos lang ba kayo?” “Yes, ayos lang ako. Sige, susunod ako sa labas,” sabi ko sa kanya. Yumuko siya sa akin at nagpaalam. Tinignan ko muna ang sarili ko saka pumasok ulit sa kwarto. Agad kong pinuntahan ang kabinet at naghanap ng damit na ipapalit ko sa suot ko. I want to leave here, hindi ko kaya ang pinapagawa sa akin ni Angela. Naisip ko na kapag nalaman nila na buhay si Angela ay magagalit din sila sa akin, lalo na si Javier. Dahil pinagtakpan ko si Angela, at tinulungan ko siyang gumawa ng mali. For now, kailangan kong isipin kung saan ko dadalhin ang pamilya ko para hindi kami mat
Last Updated : 2024-04-03 Read more