Natahimik ang pamilya dahil sa sinabi ni Javier, nagkatinginan sila at walang kahit na isa na nagsalita. Nakatingin lang si Javier sa kanila, nag-aantay ng sasabihin. “Parang awa niyo na, ibalik niyo na ako sa amin…” mahinang sabi ni Javier.“You are in a mountain side at mahirap umalis dahil sa panahon ngayon,” sabi ni Lenard. “Kung wala ng malakas na ulan at hangin bukas ay ihahatid ka namin sa sakayan,” dagdag pa ni Lenard. Nagtaka naman si Javier pero hindi na siya nagsalita pa ulit. Habang pinagmamasdan niya ang pamilya na nasa harap niya, iniisip niya kung mga mabubuting tao ba sila o hindi. Hindi siya dapat magtiwala agad sa mga nakakausap niya dahil siya lang ang mapapahamak. Dumating ang gabi at naghahanda na ang pamilya ng dinner nila. “Ang lakas pa rin ng hangin at ulan, mabuti na lang ay hindi kayo nagta-trabaho ngayon dahil delikado,” sabi naman ng nanay nila. “Kaya nga, Mom. Mukhang tatagal pa ang ulan na ito,” sagot naman ni Lenard. “Handa na ang pagkain, tawagin ni
Huling Na-update : 2024-05-21 Magbasa pa