Natapos ang bakasyon nila Yuan at Hope kasama ng kambal na anak ni Yuan. Sabay sabay silang bumalik ng China. Mas gusto ni Yuan na doon mag bagong taon. Marami kasing pasaya ang mga intsik tuwing Lunar Year. Mayroon silang ipinag diriwang na mga Sayawang leon, sayawang dragon, paputok, pagtitipon ng pamilya, kainang pamilya, pagbibisita sa mga kaibigan at kamaganak, pagbibigay ng mga ampaw, pagpapalamuti ng mga koplang chunlian. Ayon sa kanilang paniniwala, ipinagdiriwang ang Bagong taon para sa kapistahan. Upang igalang ang kanilang Bathala at mga ninuno. Kapag naman sumapit ang gabi bago ang Araw ng Bagong Taon ay madalas na itinuturing na okasyon upang magtipun-tipon ang mga pamilyang Tsino para sa taunang hapunang reunyon. Isang tradisyon din sa bawat pamilya ang masusing paglilinis ng bahay, upang paalisin ang anumang kamalasan at makapasok ang kaswertehan. Isa pang kauglian ang paglalagay sa mga bintana at pintuan ng mga pulang palamuting papel at kopla. Kabilang sa mga sikat
Huling Na-update : 2024-04-08 Magbasa pa