CELINE"Alam ko nabibigla ka sa sinabi kong 'yon sa 'yo pero gusto kita, Celine. Unang kita ko pa lang sa 'yo ngayon ay nasabi ko na sa sarili ko na gusto kita. Gusto kitang maging asawa ko kaya pumayag ka na pakasalan ko. Tutulungan kita sa lahat ng bagay. Bibigyan kita ng maraming pera. Hindi ka na maghihirap pa, okay? Magbabago na ang buhay mo, Celine. Magiging mayaman ka na. Hindi mo na rin kailangan na magtrabaho pa. Gusto kitang pakasalan," sabi pa nga niya sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita sa kanya matapos niyang sabihin ang mga 'yon. Napangiwi ako."Iyon lang po ba ang ibang paraan para tulungan mo po ako, sir?" mahinang tanong ko sa kanya. Nagpakawala muli siya ng malalim na buntong-hininga at nagsalita, "Maraming puwedeng paraan pero 'yon ang gusto ko, eh. Ayaw ko rin na magtatrabaho ka pa. Gusto ko na magbuhay reyna ka na lang kaya pumayag ka na sa gusto ko na mangyari. Pakasalan mo ako para maging asawa na kita. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat, Celine. Hindi ka na maghihi
Last Updated : 2024-03-01 Read more