Tumatakbo si Jolie Vargas sa pasilyo ng gusali kung saan nagtratrabaho ang kaibigang si Emma De Leon. Nakasuot ang dalaga ng patchwork na pantalon, stripe top at canvas shoes. Di rin mawawala ang big circular eyeglasses nito na suot niya palagi. Dala - dala niya ang baon ng kaibigan na naiwan sa kanilang unit. Nagmamadali itong pumunta sa elevator. Napatayo pa ito sa harapan ng pinto ng elevator dahil nasa 20th floor pa at pababa pa ito. Naghintay si Jolie sa tapat ng elevator. Sa kahihintay niya roon ay naabutan na siya ng mga artista na may mga bodyguard pa at personal assistants. Nagsitinginan sa kanya ang mga ito kaya lumiit tuloy ang tingin niya sa sarili. Napayuko nalang si Jolie at dahan - dahang tumalikod. Naisipan niyang sa hagdan nalang dumaan dahil sigurado siyang walang sinumang artista ang dadaan roon. Tumakbo ulit si Jolie. Hindi alintana ng dalaga ang pagod at pawis sa pag-akyat sa gusali para sa kaibigan. "Laban lang Jolie!"Hanggang, napahinto siya saglit. Hinihingal
Last Updated : 2024-02-22 Read more