"Mahirap talagang magpatawad sa taong nakasakit at nakadurog sayo ng sobra," aniya ni Hedera sa akin.Napangalumbaba na lamang ako sa lamesa. "Napatawad ko na siya sadyang masakit pa rin pala talaga pag nagkatagpo kayo mauli sa 'di malamang sitwasyon," Isang linggo na simula ang kaganapang iyon pero 'di pa rin maalis-alis sa aking isipan. Isang linggo na ring 'di umuuwi si Ate Iris at ni tumawag sa akin hindi niya ginawa. At 'yon ang kinababahala ko.Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa nararamdamang irritasyon."Halika, alis tayo. Gusto ko uminom ngayon," pag-aaya ko sa kaniya at tumayo sa pagkakaupo.Tumayo na rin siya ng may ngiti sa labi. "Gusto ko iyan," makikita ang galak sa kaniyang mukhang aniya sa akin. "May bagong bar ngayon Extreme Bar 'yong pangalan. Doon tayo. Dahil pangalan palang nakakapang-init na," tumayo na siya habang ako ay nanatiling nakaupo pa rin.Extreme Bar? Pangalan palang nakakakilabot na ano pa kaya kung nasa loob kana di'ba?Napahinto siya s
Huling Na-update : 2024-02-10 Magbasa pa